CHAPTER EIGHTEEN

64 3 1
                                    

wala akong natanggap na sagot galing kay yuan, nanatili syang tahimik
Nakita kong may nakahandang mga Bag aalis sya?  Papalayain nya na ba ako?

"Maligo ka, aalis tayo." Malamig nyang tugon habang Inaayos ang aming agahan

Di ko na nakayanan umimik, sinunod ko na lang ang sinabi nya.

"San ba talaga tayo pupunta?" Tanong ko halos tatlong oras na kami nag bya-byahe pero wala pa din kami sa aming pupuntahan

Hindi sya sumagot

"San nga ka--" bago ko matuloy ang aking sasabihin agad syang nagsalita

"sa may beach house ng pinsan ko." Saad nya

"Blaire, Bigyan mo ko ng tatlong araw para makasama ka, pagkatapos non, papakawalan na kita hindi na kita guguluhin." Pagkatapos nyang sabihin yon nakikita ko ang mga lungkot sakanyang mata

Ginusto mo yan yuan, wag mo kong iyakan.

Hindi ako sumagot. Bakit ganon? Dapat maging masaya ako kasi papalayain nya na ako? Pero bakit ang sakit?

Tumigil muna kami sa may tabing dagat.

"yuan, Tigilan na natin to." Saad ko at ikinabigla nya naman ito

"Blaire, please." Naiiyak nyang saad

"Hindi kita mahal, Hindi mo rin ako mahal, kaya tigilan na natin tong kalokohan na to! Kahit bigyan pa kita ng tatlong araw, wala na magbabago! Ayoko na sayo! Ang sakit ng ginawa mo sakin! Napakasakit!" Naiiyak kong tugon habang tinitignan sya nakikita ko nanaman ang mga lungkot sakanyang mata

"Yuan, Hindi ako para sayo at hindi rin ikaw para sakin." Nakangiti kong tugon sakanya

"May iba pang babae dyan.. hindi lang ako." Saad ko sakanya habang

"Ikaw lang blaire, ikaw lang ang gusto kong mahalin habangbuhay blaire." Saad ni yuan Habang hinatak ako para yakapin

"Yuan please, let me go." naiiyak kong saad alam ko na napakasama kong babae, binigyan na nga ako ng second chance pero sinasayang ko lang

Huminga sya ng malalalim at Nilapitan ako sobrang lapit.

Akmang itutulak ko na sya pero may sinabi sya na nagpahinto sakin.

"One last kiss blaire."

Naramdaman ko na ang paglapat ng labi nya sa aking mga labi, at bumagsak na ang aking mga taksil ng luha.

"Thank you blaire for being part of my life." Nakangiti nyang tugon pero ramdam ko parin ang lungkot sakanyang mga mata

___________

/YUAN/

"Yuan,tama na yan!" Pagpipigil sakin ng kapatid ko, Pero hindi ko ito pinansin tinuloy ko lang ang pag inom ng alak

Alam kong kahit uminom ako ng madaming alak hindi ko parin makakalimutan ang sakit na pinaramdam sakin ng pag-ibig.

"U-uwi na ko." medyo umiikot na rin ang paningin ko "no! Ihahatid kita! Wait kukunin ko lang ang kot---Yuan!" Pagpipigil sakin ni serin dahil iniwan ko sya don at pumunta saking kotche

Gusto kong makalimot.

Pina-start ko ang kotche at nagsimulang magmaneho

inaantok na ko, medyo umiikot na rin ang mga paningin ko, Hindi ko na alam ang ginagawa ko

Nasisilaw na ko...

__________

"Nacomatose si mr.lee"  Nanlamig ang aking katawan ng sabihin sakin yan ng aking secretary na si kylline

"Wag mo nga akong biruin nang ganyan!" Naiinis kong saad sakanya

"Hindi po ako nagbibiro ms.kristen" seryosong saad sakin ni kylline

Shit.

Agad kong kinuha ang aking bag at agad agad pumunta sa ospital

"Uy, ano nangyare don sa Pasyente na sinugod kanina?"

"nabangga ata ng truck. Nacomatose ata e."

Nanlalamig na ang aking katawan sa mga naririnig kong mga storya galing sa mga taong nagchi-chismisan

Agad na ako nagtungo sa may Kwarto na sinabi sakin ni kylline

_____

Agad tumulo ang aking mga taksil na luha.

Feeling ko kasalanan ko tong lahat! Sorry yuan. Sa mga masasamang salita na nasabi ko sayo.

Hindi ko na kaya, Sorry yuan.

Sinayang ko ang second chance.

"Bakit ka umiiyak dyan?"

Wag mo naman akong gantuhin yuan! Wag mo kong multuhin natatakot ako!

Hindi ko pinansin ang boses at tinignan na lang muli ang lalaking nakabalot ang muka

"Hoy! blaire!"

Agad akong lumingon kahit natatakot ako

"Y-yuan?!" Naiiyak kong sigaw, akala ko nacomatose sya?!

"bakit ka umiiyak?" Tanong nya

Nakaupo sya sa may wheelchair

"A--akala ko nacomatose ka?" Naiiyak kong tanong

"Huh? Porque ka-apelyedo ko lang yang nacomatose ako na ka-agad yan?" Naiinis nyang saad

"S-sorry yuan sa mga nasabi ko sayo." Paghingi ko ng tawad sakanya

"Syempre hindi ko hahayaan na mamatay ako." Nakangiti nyang saad

"Hindi kita kayang iwan, Kasi ikaw ang para sakin." Nakangiti nyang saad

Agad akong nagulat ng bigla syang lumuhod sa aking Harapan

"Will you be my Real fiancé now Blaire?" Nakangiti nyang saad

"Yes!" nakangiti kong sagot at niyakap sya

Agad lumabas ang mga kaibigan namin

Bigla kong nakita si james

Agad akong naguilty nginitian nya ako at sinabi

"Okay lang blaire, ikaw talaga ang para sakanya."

"Hoy ano, break na kayo ah. Akin na si blaire ah!" Parang batang saad samin ni yuan

"Oo na! Sayong sayo na bro!" Nakangiting saad ni james

"thank you sa lahat ng tumulong saking kalokohan" natatawang pagpapasalamat ni yuan

"Yiee kilig ka na nyan blaire!" Panunukso sakin ng mga kaibigan ko

"Tss!" Kunwaring pagsusungit ko sakanila

"Hahaha! Sus!" Tukso sakin ng kuya ko

Naramdaman kong may humawak sa kamay ko at nakita ko ang maamong muka ni yuan

"Let's go, tapusin na natin ang dapat tapusin. Para may happy ending na."

_______

HI GUYS!! THANK YOU FOR READING AND SUPPORTING MY STORIES I LOVE YOU ALL!! MERRY CHRISTMAS AND HAPPY NEW YEAR. 💕💕

Sorry rin po kung medyo matagal mag update. :))

Thank you guys. 💕

He is my fiance?! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon