PROLOGU

3.7K 80 0
                                    

This story is published in the condition that any part, in whole or in portion, may not be reproduced or retransmitted in any manner without the written permission of the author.

All rights reserved. AHSALIE: The Real Love Huntress @pinkqueenvien

AHSALIE: The Real Love Huntress

I wrote this story when I was in third year highschool, way back 2006. I hope magustuhan nyo. Thank you and may you enjoy reading. :)

PROLOGUE

"Sabi nila maganda daw ako. Mula ulo hanggang paa, para daw akong prinsesa kasi daw maganda ang kutis ko pati tangos ng ilong."

"Ako si Ahsalie. Mahirap lamang kami ni Mommy. Ako ay labing-pitong taong gulang pa lamang at kasalukuyang nag-aaral. Itinataguyod ako ni Mommy sa pamamagitan ng pagtitinda araw-araw. May sakit si Mommy ngayon---- sakit na nangangailangan ng malaking halaga upang tuluyan syang gumaling pero ayaw nyang humingi ng tulong kay Daddy. Ni minsan hindi ko pa nakikita ang Daddy ko, basta ang sabi ni Mommy ay matangkad sya at matipuno, syempre guwapo. Dagdag pa ni Mommy ay may lahing banyaga ang aking ama kaya ganito ako kaganda. Sabi pa nya, may kakambal daw ako at sya ngayon ay nasa piling ng aming ama at ako ay nanatili sa kanya. Galit ang Mommy ko kay Daddy kasi hindi daw nya kami pinaglaban kay Lolo. Pinagbabawalan ako ni Mommy na umibig, naniniwala syang walang ganoon dito sa mundo batay na din sa kanyang karanasan. Ayaw nya sa mga lalaki kasi ginawa lamang daw sila para paluhain ang mga babae. Yun ang kaisa-isang tinuro ni Mommy na hindi ako naniwala. Lumaki man akong walang nakagisnang ama, hindi ko yun gagawing dahilan upang mawalan ng bilib sa pag-ibig. Hindi pa ako nagmamahal, hindi dahil sa takot akong masaktan kundi dahil sa hinahanap ko pa ang karapat-dapat na lalaking pag-aalayan ko nito upang hindi lamang masayang. Kahit na anong kabiguan ang dumating sa buhay ko, hindi ako mawawalan ng pag-asa na isang araw ay makikita ko ang tunay na pagsinta. Hindi ako susuko at patatalo sa mga pagsubok dahil sa oras na makita ko na ang lalaking nararapat ay patutunayan ko kay Mommy na mali ang paniniwala niya. Ipaglalaban ko ang aking minamahal at patutunayan ko na ang pag-ibig ay may angking hiwaga. Ako at ang lalaking nararapat ay gagawa ng isang pambihirang istorya ng pag-ibig----- istorya na tatatak sa puso ng bawat isa, mag-iiwan ng magandang alaala at higit sa lahat, isang istorya na bibihira lang ang nakakagawa.

"Halina't samahan nyo ako sa paglalakbay sa landas ng buhay at hanapin ang pag-ibig na tunay..."

AHSALIE: THE REAL LOVE HUNTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon