Nagsimula ang lahat sa pagkabata
Masayang ako at ikaw lang ang makikita
Sa hirap man natin at saginhawa
Ikaw at ako ay palaging magksama
Hindi nagtagal puso ko ay nahulog
Hindi naiwasan ng kaibigan mong kalog
Sa kababata kong tulog-mantika kung matulog
Sana alam nya ang pag-ibig kong handog
Ilang beses ko tong gustong sabihin
Ilang beses ko syang gustong kausapin
Pero bakit ganon tila walang pagkakataon
Lumipad sa ibang bansa at nanatili doon ng ilang taon
Ilang panahon na din ang nakalipas
Ilang kalendaryo na din ang nakalampas
Pero hindi mauubos ang pag-ibig kong wagas
Na masabi ko din sayo ito sa wakas
At ngayon dumating ang araw na hinihintay
Na muling magkaroon ng isa pang pagsilay
Hindi ko hahayaang sa kanya’y mahiwalay
Sa lalaking ito na matagal saki’y nawalay
Ngunit bakit tila may iba na sa kanya
Ng makaharap ko sya at muling nakita
Magkasama kami pero tahimik lang sya
Anong nangyari? Nagbago ka na ba?
Tila ayoko ng sabihin
Tila ayoko na ding umamin
Mahirap lang itong ipaunawa
Lalo na kung nagmamay-ari na saknya
Ipaparamdam ko na lang sayo
Kung gaano kahirap magmahal ng ganito
Ang tumingin at sumulyap ng malayo
Sa taong manhid na kagaya mo...