O, bakit parang inaantok na kayo dyan? Magkkwento pa nga ko diba? Naman eh! Gising naman kayo o! Hayaan ninyong ang moody pero pinakamamahal kong asawa na lang ang matulog, buntis yan eh, di pwede magpuyat. Bakit kayo? Buntis din ba kayo? Kaya makinig muna kayo saken. Mabilis lang to, promise!
Ay, teka nga pala, kilala nyo na ba ko? Magpapakilala muna ko ha. Ako nga pala si Beethoven Piangco. Pero mas gusto ko na tawagin ako sa palayaw ko na "Bee". Bakit kamo? Kasi naman, sa tuwing maririnig ko ang pangalan ko, yung aso na Beethoven ang pangalan na sumikat noon sa Hollywood ang naiisip ko. Kilala nyo din ba yun? Yung magandang aso na St. Bernard yata ang breed? Ah basta, yun na yun, search nyo. Pero sabi naman ni nanay, ipinangalan daw nya ako dun sa sikat na German composer and pianist na si Ludwig Van Beethoven. Lagi daw kasi nya yun pinapakinggan nung ipinagbubuntis nya ko. Pero kahit na noh, ayoko pa din! Mas astig kasi ang Bee. Parang bubuyog lang.... Bzzzzzzzz........
Fourth Year High School ako noon sa Sta. Teresa College sa lalawigan ng Batangas. Isa itong pribadong paaralan na tanging mga may-kaya lamang sa buhay ang maaaring makapag-aral. Fourth Year High School na ko dito at malapit nang magtapos. Isang taon na lamang ang kailangan ko pang bunuin.
Siguro iniisip nyo mayaman ako noh kaya ako nandito? Ah, diyan kayo nagkakamali. Dahil ang totoo nyan, hindi kami mayaman. Nakapasok lamang ako sa prestihiyosong paaralang ito dahil na din sa Scholarship Program na maswerte kong naipasa at nakuha. Ang nanay ko ay namamasukan lamang bilang isang kasambahay sa mansyon ng isa sa mga pinakamayayaman sa lalawigang ito, sa mansyon ng mga Del Castillo.
Sa mansyon na ito na ako ipinananganak, nagkaisip, at lumaki. Hindi ko na nakita at nakilala ang aking ama, dahil ang sabi ni nanay matagal na daw itong pumanaw bago pa man ako maipanganak. Kaya naman tila ang mag-asawang Del Castillo na ang kumupkop sa amin.
Meron silang dalawang anak. Sina Patrick at James. Si Patrick ay nasa kolehiyo na at kumakarera, samantalang si James naman ay kasing edad ko at sa paaralang ito din nag-aaral. Tuwing umaga ay sumasabay ako sa kanya sa pagpasok sa paaralan. Katulad na lamang ng araw na yun na itinakda ng Diyos upang makita at makilala ko ang pinakamagandang babae na nasilayan ng aking mga mata.... Ang araw na naisip yata ni Kupido na gamitin ang isa sa kanyang mga gintong palaso at masapul ang puso ko....
Huminto sa tapat ng gate ang sasakyan na naghatid sa amin ni James sa eskwelahan. Hindi pa man ako nakakababa ng sasakyan at kabubukas ko pa lamang ng pintuan ay narinig ko na kaagad ang malakas na bulungan ng mga babae hindi kalayuan sa gate.
"Bilisan nyo! Andyan na si James." ang sabi nung isang maganda at morenang babae na nakasuot ng salamin sa mata. Bakit kaya to nakasalamin? Eh mukhang hindi naman nagbabasa.
"Huh? Talaga? Ok na ba ko?" Sabi naman nung isa na nakahawak pa ng suklay at kung anuman yun na panlagay ng kolorete sa mukha. Hindi man lang muna pinagkaabalahang itago sa bag yung mga pampaganda nya.
"Honey, tumayo ka na dyan! Andyan na yung crush mo o." Sabi nung isa na kulot ang buhok at nakabraces pa. Hindi ko nakita ang braces nya. Alam ko lang, dahil sa pagsasalita nya.
Ahhhh.... Kilala ko ang tatlong to. Sila lang naman ang tinatawag na Fab Girls dito sa eskwelahang to. Fab dahil fabulous. Sikat sila sa buong High School Department dahil talaga namang magaganda sila at mga may-kaya sa buhay. Mula sa pananamit hanggang sa pagsasalita ay makikita mo na hindi basta basta ang pamilyang kanilang pinagmulan. Pero sa pagkakaalam ko, palagi silang nangungulelat sa klase. Wala na yata silang ginawa kundi ang magpaganda at magbulakbol. May sampung sections kasi ang Fourth Year, ang alam ko nasa Section 10 sila.
At oo, sa araw-araw na lang na ginawa ng Diyos mula First Year hanggang Third Year ay wala na silang ginawa kundi abangan ang pagdating ni James sa umaga. Crush nila eh. Hindi ko nga alam kung bakit. Samantalang si James ang masasabi mo na daredevil at carefree. Tipong living on the edge palagi. Siya ang madalas na pasimuno sa mga kalokohan dito sa eskwelahan. Problema nga sya nila Mr. and Mrs. Del Castillo eh. Minsan pa nga, nilagyan nya ng kapa ni Superman yung rebulto ni Jose Rizal dun sa may oval. Kaya naman nakapagtataka na sa kabila ng pagkakaalam ng mga babae ng bulletin nya ay nagkakandarapa pa din sila para lang mapansin nya. Ganun na ba ang taste ng mga kababaihan ngayon? Yun mga tipong Robin Padilla na bad boy image?
BINABASA MO ANG
Honey and Bee
RomanceJust another short and simple tale about love and chasing games.....