Mula ng araw na kami’y pinagtagpo
Parang puso ko’y ayaw ng lumayo
Sa taong di ko akalaing mamahalin ko
At taong lubos na hahangaan mo
Ilang araw, taon na lumipas
Parang ang panaho’y din a magwawakas
Tila ako’y din a makakatakas
Sa lugar kung saan sya lang ang lakas
Hindi ko alam kung paano ito nagsimula
Ang pagtibok ng pusong noon ay nangungulila
Tila isang dumating na mabilis na pana
Na bumaon at ayaw ng kumawala pa
Madami mang problema ang dumating
Sa panalangin ko na lang ito padadaanin
Na sana sya na lang ang ibigay sa akin
Ng Poong Maykapal na may lalang sa atin