CHAPTER ONE: HINTAYIN MO AKO!

4 3 4
                                    

CHAPTER ONE: HINTAYIN MO AKO!

Bata palang ako nung maranasan kung mabully sa school namin, bukod sa lage akong mabully ay wala rin akong mga kaibigan at mahiyain rin ako kaya mas lalong naging mahirap para sa'kin ang makisalamuha sa mga ka-edad ko.Ang lungkot ko nun sobra! Lalo'nat binubully nila ako kasi wala daw akong daddy gaya ng mayroon sila.

Hanggang sa dumating na yung puntong hindi ko na nakayanan ang sobrang lungkot na nararamdaman ko sa mga pangbubully nila sa akin. Simula nun nagkukulong ako sa kwarto ko,iyak ako ng iyak nun na halos namumugto na yung mga mata  ko sa kaka-iyak. Nung time na yun walang ibang ginawa ang mama ko kundi ang kausapin ako pero ni isang kataga walang lumabas sa bibig ko! Gustuhin ko mang sumagot pero parang naka-zipper ang bibig ko.Hindi rin ako makakain nun!Nagkasakit ako nun siguro dahil sa pagkadepress ko kaya di na nakayanan ng katawan ko! At nung gumaling na ako napagdesisyonan ng mama ko na umuwi kami ng probinsya para dun manirahan at para dun narin ako mag-aral.

Saka lang ako napatigil sa pag-iisip ng biglang kumalam ang tyan ko! hehe..nakalimutan ko tuloy na di pa pala ako nakapagsnack..lage nalang kasi akong nakatulala at malalim ang iniisip kaya siguro nakakalimutan kung kumain.Hahayy!! ba't ba kasi lage ko nalang naiisip yung nakaraan ko!NAKAKA BADTRIP NG ARAW!

Kumakalam na naman ang tyan ko!

KAINIS!

Sa'n na ba kasi yung mga lokarets kung kaibigan ?!Kanina pa ako dito ahh.. Inindyan ata ako ah!

Kahapon kasi may usapan kaming magkaka-ibigan na sabay mag-snack dito sa canteen ngayon!Kaya lang mukhang di na sila sisipot!

dT_Tb

Wala na akong choice kaya nag-order nalang ako at kumain! Pagkatapos kung mag-snack ay umalis na ako ng canteen at dumirecho sa classroom.Pagdating ko sa classroom kukunti lang ang mga estudyante kaya naupo nalang ako, at tinawagan si Briella.

DIALING BRIELLA

=BRIZK! BRIZK!=

"Buti naman at naisipan mo pang sagutin ang tawag ko"

"Red!" si Briella sa kabilang linya.

"Nasaan na ba kasi kayo? Kanina ko pa kayo hinihintay sa canteen ahh" galit kung tanong sa kanya.

"Pasensya na talaga Red! Alam mo naman na pag Friday kami ang laging nautusan ni ma'am na magcheck sa mga quizzes at nagrerecord!Kumain ka na ba?"

"Tapos na!" sarkastiko kung sabi"Wala akong choice ehhh!" dagdag ko pang sabi sa kanya.

"Mabuti naman sorry talaga ha! babawi nalang kami sayo!Oh! Sya sige na Red babye na ha tatapusin ko muna to ha kita nalang tayo mamaya!"

CALL ENDED!!

Kainis!di man lang ako pinasagot pinatay na agad!!Babae talagang yun!

Sa sobrang inis ko binalik ko nalang ang cellphone ko sa bag at nagbuklat ng libro.

 LOVE DEPARTEDWhere stories live. Discover now