Habang busy sa pag aayos ng gamit ang isang lalaki para maka uwi na ay may biglang pagsabog ang naganap sa kabilang kwarto
Dahil sa pagkagulat ay nabitawan niya bigla ang isang maliit na bote kung saan nilalagay ang mga potions
Sa tulong ng ability niyang makapagpalutang ng gamit or levitation ay hindi nabasag ang bote
"hayst mga walanjo, buti hindi to nabasag yari talaga ako sa misis ko",*kamot ulo*
"Hoy!!,kayo sa kabilang kwarto, uso ang mag ingat!", sigaw niya sa kanila
Sa kadahilanang walang sumagot, hindi niya nalang ito pinansin..
~~A Few Minutes Later~~
Habang busy sa pag e-experiment ay may biglang kumatok sa tinitirhan niyang dorm
"Sandali lang!", sigaw niya habang hinahalo ang mga ingredients sa isang clay pot
Pagbukas niya sa pinto ay bigla siyang tinurukan ng injection..,"shet tranquilizer yun", papikit-pikit niyang sabi habang nandidilim ang paningin, hindi rin nagtagal at nilamon na siya ng dilim.....
~~Days Later~~
"Arrgh, tae ang sakit ng ulo ko", nanghihinang sabi ng lalaki habang nakahiga sa isang matigas at malamig na higaan
"Buti at uso pa sayo ang gumising Mr. Arlo Onyx", sabi ng tinig sa isang madilim na parte ng kwartong kinalalagyan niya
"Sino ka? Lumabas ka sa dilim para makita ko naman ang pagmumukha ng kumuha sa akin", sabi ni Arlo, "At pano mo nalaman ang pangalan ko!?", pahabol nito
"Arlo..Arlo..Arlo, nagiging makakalimutin ka na... ata..?", sabi ulit ng tinig sa may sulok ng kwarto
"Paano ko malalaman kung sino ka kung nandyan ka sa dilim ..like duhh.."
binulong niya nalang ang hulihan para hindi madinig ng lalaking nagtatago sa dilim ang sinabi nya(😀)"Hmm..,hindi pa rin nawawala sayo ang pagiging pilosopo mo Arlo", natatawang sabi ng lalaki sabay lakad papalapit kay Arlo
Nang masinagan ang lalaki ng kaunting ilaw ay nakilala niya agad ito
"A -arthur?", medyo nanghihina niyang sabi
"Shocking ba masyado?*insert tawang pang evil*",
"Oo shocking talaga", pagkasabi niya nun ay tinapunan niya ito ng daggers na binuo niya kanina habang nag uusap sila
"Hmm..ang unfair mo naman hindi pa ako ready", pa childish niyang sabi
'yuck di bagay', sabi ni Arlo sa isip niya habang nag iisip ng escape plan palabas
"Alam mo? para quits tayo may dinala ako ritong pang alas laban sayo *insert evil laugh again*",
Dahil sa sinabi nito ay kinutuban siya kung sino ito. At tama nga siya, ang mag ina niya ito
"Taena ano ba talaga kailangan mo!?", Arlo
"Simple lang ang kailangan ko",
"Sabihin muna agad wag yung pa thrill thrill pa!", galit na sigaw ni Arlo
"Woah easy there haha, gusto ko lang sana kunin yung device mo na kayang magspread ng kung anu-ano sa buong mundo natin, pero nung nanakawin sana namin may passcode at ang masaklap pa ay walang may alam sa amin na mg hack..", mahaba-habang sabi ni Arthur
"Ba't mo yun gustong kunin?",
"Wala ng tanong tanong pa ibigay mo na yun sa akin kung hindi papatayin ko 'tong mag-ina mo!!", galit na galit niyang sabi...
"Okay basta wag mo na silang saktan",
"Sure", sabay senyas sa tauhan nito
~~~~
Pagkatapos maibigay ang passcode na nasobrahan sa haba ay pinakawalan na ni Arthur ang mag-ina..
(And as always)"Alam niyo on second thought...."
Nanlaki ang mata ng dalawa dahil sa sinabi nito
"Arrgh taena mo Arthur mamatay ka sana!!!",sigaw ni Riana na asawa ni Arlo
"*laugh again* ma uuna nga lang kayo!", sabay pag alis niya ay ang mga putok ng baril..
~~~
"Oh boss ano na gagawin natin sa mga bangkay?",tanong ng isa sa alagad ni Arthur
"Hmm kayo na bahala, basta nasa akin na ang kailangan ko!", tatawa tawa niyang sabi
"Okay boss, Oh kayo jan itapon nyo yan malayo sa mga mataong lugar!", sigaw ng acting boss sa kanila
"Tss palagi naman ah?",
Pagkatapos nila itong matapon sa isang liblib na parte ng gubat ay umalis na rin sila..
Pero ang hindi nila alam ay may hindi pala natamaan ng bala dahil prinotektahan siya ng kanyang mga magulang habang minamassacre sila kanina...
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
End Of Prologue😉😉😁❤
YOU ARE READING
Wala Lang
Fantasy(Language:Tagalog/English) Wala ako maisip na magandang title kaya yaan nyo na.. ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ A girl that was left behind because of her being weak. . . . . . . Pero weak nga ba? ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ Sorry kung may typo or what...