CHAPTER 9: I MISS HIM

5 1 0
                                    

3 days na mula nung magtago ako dito kina mom and dad. 3 days na din akong hinahanap nina Ainnika at pinagbabantaang pasasabugin nila ang pinagtataguan ko once na malaman nila kung nasan ako.

Sinabi ko na sa kanila ang pinagdadaanan ko through text nga lang at pinaikling version pa. Naiintindihan naman nila yun nga lang mga hayok sa chika kaya kung makapagbanta wagas wagasan na lang.

"Bunso?" napalingon ako kay ate Madeline na nakasilip mula sa pinto ng kwarto ko.

"Hmnn?"

"Alam kong nakaleave ka but its very unusual for you to stay here sa loob ng three days. Para kang may pinagtataguang ewan." sabi nya saka tumabi sakin ng higa.

"Ate?"

"Hmnn?"

"Pano mo tinanggap si kuya Cy nung sinabi nyang mahal ka nya?" tanong ko.

Nakatitig lang ako sa ceiling ng kwarto ko pero alam kong nakatitig sya sakin.

"Inlove ka ba?" nananantyang tanong nya.

Bumuntong hininga ako saka mahinang nagsalita."I miss him."
pabuling na sabi ko.

"Who?"

"Neon."

Bigla na lang syang bumangon at tinitigan ako. Parang bigla akong natauhan at napapalunok na nakipagtitigan din sa kanya.

"Oh my Gosh,finally naging worth it din------kayo na?" tanong nya.

Malungkot na ngumiti lang ako at saka umiling."No."

"What? Why?"

Di ba dapat magtampo sya? Dapat magalit sya na nainlove ako sa ex nya. Dapat pagsabihan nya ko na tigilan ko na kasi may kasintahan na si Neon at pinsan pa namin pero bakit parang excitement ang nakikita ko sa mata nya ngayon.

Bakit ganon?

"Anong why? Natural sila ni Erika. And I'm not so naive to know that he was your first heartache." mahinang sabi ko saka nag iwas ng tingin.

"Erika?What?Fuck!" she cursed.

I chuckled sadly. Yeah, what the F.
May magagawa ba kami?ako? Wala naman diba?

"But Erika is his be---------"

"I know ate. Im sorry. It's not my intention to fall for him but....iniwasan ko naman ei. Pero wala." napabuntong hininga na lang ako.

"Melody." tawag nya sakin. Para syang may gusto pang sabihin pero mas minabuti nyang manahimik na lang.

"Im sorry ate. But i really miss him na." malungkot na sabi ko.

"And what are you still doing here? Why don't you just go and see him?"

"It's not that easy...h-he confessed something which is really hard to believe since he's in a relationship with our cousin so i walked out on him---"

"At dito ka nagtago?"

"Parang ganon na nga."

"Alam mo bunso para kang sira. Ang hirap kasi sayo, masyado mong pinapairal ang sa tingin mong tama. Well it is actually a good thing but not at all times. You have to be selfish also to attain the happiness that you really deserve." she said.

"What do you mean?"

"Yeah, i was really hurt when i learned the fact that Neon is inlove with someone way back then. It was really my ego hurting then actually. Of course he was my first boyfriend and i was still living in a fairytale that time kaya akala ko mahal ko sya." pagpapatuloy nya at saka sinuklay ang buhok ko.

"Then he told me everything. Na hindi talaga ako ang mahal nya. Na nagso-sorry sya kasi akala nya sa pamamagitan ko mapapalapit sya sa babaeng mahal nya. Pero hindi. Mas lalo lang umiwas yung girl. Yes, I cried. I thought i was deeply hurt. Akala ko lang pala. Naghiwalay kami. Iniwasan ko sya kasi akala ko galit ako sa kanya. Hindi ko pa kasi alam ang ibig sabihin ng pagmamahal non."

Bigla na lang syang natawa na parang may naalalang nakakatuwang bagay.

"Until i met your kuya Cyrus. Saka ko lang narealize ang ibig sabihin ng love. Sa kanya lang ako nalinawan. Because you know what bunso? Love is a combination of selfishness, selflessness, martyrdom, honesty, loyalty and trust. Lahat yon. Umiyak ako,nagalit,tumawa. Pero alam mo  kung anong kaibahan non sa mga past relationships ko? Sa kuya mo, nakita ko ang sarili kong tumanda at magkaroon ng sariling pamilya."

Wala na kong masabi. Oo na. Sya na masaya. Ako na hindi.

"Sabi mo noon pa inlove na sya sa iba. Kilala mo ba kung sino?" tanong ko. Oo epal ako. Msakit na pero push lang ng push.

"Sinabi nya. Malapit nga sakin ei---"

"Si Erika? Naging sila na."

"Erika is his Best friend ever since. Bago pa kami magkita at magkakilala magkaibigan na sila."

"Nakuha pa rin pala nya si Erik----"



"Pero hindi sya kay Erika inlove."

Im Inlove with the PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon