Selos ka? (One shot)

239 9 0
                                    

Naranasan mo na bang mag SELOS?

Ang sakit 'di ba? Yung tipong gusto mong isigaw ang lahat ng hinanakit mo sakanilang dalawa. Yung tipong mamamatay ka na talaga sa selos na nararamdaman mo. Kung nakakamatay nga lang ang selos na 'yan, malamang pinaglalamayan ka na ngayon.

Kung 'di nga ba nakakamatay ang selos, bakit mukhang namatayan ka? Yung mata mong sobrang pula, kakaiyak. Hindi ka na kumakain, kasi nawalan ka na ng gana. Ang O.A. 'no? Pero ganyan naman talaga kapag nasasaktan ka e! Lalo na kung ang pinagseselosan mo yung nag push sa inyong dalawa, yung dahilan kung bakit napalapit kayo sa isa't isa, kung bakit na-INLOVE kayo sa isa't-isa,

... yung BESTFRIEND mo naman pala 'yun. Yung Bestfriends na tumulong sainyo para magkalapit kayo sa isa't-isa ulit.

Ang common na nang problemang ito, 'di ba? Pero kahit na paulit-ulit, kung dapuan ka talaga ng S-Blood Cells (SELOS BLOOD CELLS) maiiyak ka talaga sa sakit, 'di ba? Mukha ngang hindi sa sakit e, mukhang sa selos talaga.

Noong una, hindi ka talaga maisip na magse-selos ako sakanilang dalawa e. Kasi, alam ko naman sa una FRIEND lang talaga sila. Kaso, ba't sa huli nagseselos pa din ako? Or let me say na bakit nagseselos ka pa din? Nagseselos ka ba ng walang dahilan? 'Di ba lahat naman ay may dahilan? Iniisip mo na wala kang karapatan? Bakit, lahat naman may nararamdaman? Lahat naman may karapatan, kasi nga lahat naman may nararamdaman.

Paano hindi ka magseselos, kung wala silang pinapakitang motibo? Nagseselos ka kasi sweet nga siya. E ang tanong, sayo nga lang ba? Kaya kay nagseselos kasi, pati sa iba sweet siya, pati pala iba ina- 'ILOVEYOU'-han niya. Minsan nga naisip mo o minsan nga kapag nag Iloveyou  siya, napipilitan ka nalang na sabihin ang 'Iloveyoutoo' kasi ang gusto mo talaga sabihin sakanya, 'Iloveyou? Teka, ilan ba kami?'

Bakit ba ang sakit kapag naramdaman mo na ang salitang selos? Sobrang sakit nga e. Yung parang gusto mo nang umayaw. Yung parang gusto mo nang sumuko, isuko ang lahat. Ang lahat ng pinagdadaanan niyo, yung happy moments niyo, yung nandyan siya palagi kapag nalulungkot ka o may problema ka.

Ano? Susuko ka na ba? Iiwanan mo na ba? Nang dahil lang sa lintik na selos na 'yan, iiwanan mo na? Pwede pa naman pag usapan 'yan, 'di ba? Pag usapan niyo muna 'yan. Selos lang 'yan, pero masakit kapag naramdaman. PERO, idaan niyo muna 'yan sa maayos na usapan. Malay mo kasi maayos pa. Kung mahal ka naman siya, hindi ka niya hahayaan na mawala 'di ba? Kung nasabi mo, tapos iniwanan ka, kasi daw napaka selosa/seloso mo, ipaglaban mo muna pero kung ayaw niya na talaga, mag MOVE ON ka na. Wala ka na naman magagawa 'di ba? Wag ka nang mag paka-tanga sakanya. Hindi naman kasi siya kawalan e.

O kaya, ikaw! Kung nagseselos ka, idaan mo muna sa maayos na usapan, wag mo isuko kaagad. Isipin mo yung mga masasaya na happy moments niyo bago mangyari 'to.

"Selos? Kahit walang kayo, nararamdaman 'yan."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 14, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Selos ka? (One shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon