Chapter XIV

187 7 0
                                    

Chapter 14

HINDI pa man sumisikat ang araw ay gising na ako. O mas mabuting sabihing bumangon nalang ako dahil hindi naman talaga ako nakatulog. Kaya kahit ala-singko palang nang umaga ay bumaba na ako at nagpahangin sa labas. Nang makakita ako ng walis tingting ay napagdesisyunan kong maglinis nalang.

Hindi pa man ako nangangalahati ay parang nakaramdam ako ng parang may tumitingin sa akin. Kaya nilibot ko ang tingin ko kung may tao ba. At parang tumigil ang mundo ko ng makita ko si Redrick na nakatingin sa akin. Ewan ko kung ano pero bigla nalang akong naluha sa isiping andito siya sa harap ko.

"Redrick!" Sigaw ko at dali-daling lumapit sa kanya para pagbuksan siya ng gate. Pagharap ko sa kanya ay agad ko siyang niyakap.

"Umalis ka pa sa bahay eh mami-miss mo rin pala ako." Natatawang sabi niya.

Pero napahiwalay ako sa kanya ng may mapagtanto.

"Ba't andito ka?" Tanong ko sa kanya.

"I don't know why you left. Is it because of what happened in the island or was it your personal choice? But please could you come back?" Nagmamakaawa ang boses niya. Para tuloy gusto kong bumalik ngayon din sa bahay nila.

"Bakit pa ako babalik don? Hiwalay na tayo at saka wala akong responsibilidad kay Lenon." Matapang na sagot ko sa kanya.

"Bakit ba ayaw mong bumalik?" Tinaasan ko siya ng kilay ng medyo tumaas ang boses niya.

Tinatanong niya pa kung bakit? Bakit ang insensitive niya? Bakit ba hindi niya maisip kung bakit ayaw ko ng bumalik sa kanila?

"If you went here for me to go back, well you got it wrong. I won't go back again. Unless you realize what you've done!" Hindi pa rin ba talaga niya alam kung bakit ako umalis sa kanila? O nagbulag-bulagan lang siya?

"Erika? Please huwag ka namang magmatigas o? Nagmamakaawa na sa akin si Lenon para bumalik ka." My heart sank at what he said. Akala ko siya ang may gustong bumalik ako. Si Lenon pa rin pala. Napakagat ako sa labi ko. My hand are shaking and my knees are weakening because of the pain I am feeling right now. Again.

"S-so this is still all about Lenon, huh?" I smirked. "Drop the pity face, Redrick. I am not going anywhere and you go back to your house!" Sigaw ko at saka pinagsarhan siya ng gate.

"Erika naman! Makinig ka naman sa'kin o." Nagsusumamo pa rin ang tinig niya at hinawakan ang kamay ko habang i-ni-lo-lock ko ang gate.

"Kapag sinubukan mong pumasok, Redrick, kakasuhan ka namin ni Kella ng trespassing at kapag bumalik ka pa dito o ang kapatid mo kakasuhan namin kayo ng sexual harassment. You know we can do that." Sabi ko at walang lingon-likod na pumasok ng bahay. Mabilis kong sinara ang pinto at napadausdos doon.

Ang sakit. Hindi naman sa pagrereklamo pero hindi niya ba talaga kayang pabayaan muna ang kapatid niya at ako naman ang unahin? Para kasing ang sakit lang na palagi niyang iniechapwera ang nararamdaman ko kaysa sa kapatid niya. Nakakagago lang kasi eh. Ako yung babae tapos ako yung hindi niya inaalagaan. Alam kong kapatid niya rin iyon at kaibigan ko si Lenon pero hindi talaga tama na ipinapahiram niya ako sa kapatid niya.

"Umiiyak ka na naman." Hindi ako tumigil sa pag-iyak. Bagkos ay tumayo ako at niyakap si Kella. Nagsumbong ako sa kanya sa nangyari. "Sige, iiyak mo lang yan. Basta sa susunod huwag kanang umiyak para sa kanila, okay?"

Nahihirapan man ay pinilit kong tumango kahit pa hindi ko alam kung makakaya ko bang hindi umiyak para sa kanila. Buong araw niya akong inalo at buong araw niyang pinaramdam na hindi ako nag-iisa. Na kasama ko siya sa labang ito. At ang saya lang makahanap ng kaibigan na katulad ni Kella. Kaibigang hindi ako iniwan sa kahit na anong problema ko. Maiinggit ang iba dahil may totoo akong kaibigan sa katauhan ni Kella.

Bed Imprisonment (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon