5: The Alpha

425 33 0
                                    

ANDRES

Gabi na at binalot ko ng kumot ang sarili sa kama habang nanonood ng Veronica sa Netflix. Naka-connect ito sa TV kaya mas malaki ang napapanood ko. Hindi ko alam ba't ko ba naisipan na manood ng horror sa ganitong oras ng gabi. Sinasabayan pa ito ng malalakas na pag kulog at pag kidlat sa labas dahil sa thunderstorm.

Pagkatapos ng hapunan ay umakyat na agad ako sa kwarto at nag movie marathon. Pangalawa ko na ito at pangakong huli na dahil kinikilabutan na ako. Sa luma ba naman ng bahay namin, malay ko kung mangyari din sa akin ang nangyayari sa bida.

"'Wag kang lalapit... 'Wag mong lalapitan 'yan!" Papalapit si ate girl doon sa mattress na may mantsa ng kung ano. Iniilawan pa niya at hahawakan.

Napapahigpit ang kapit ko sa kumot at lalong napapatalukbong. Tanga ng babaeng 'to. Alam na niyang may lalabas doon eh.

"Sabi ko 'wag kang lalapit d'yan... 'Wag kang lalapit d'yan... 'Wag ka—Aaaah!" Bumulaga ang itim na kamay at hinila si girl. Pero kasabay din no'n namatay ang kuryente at pagkulog ng napakalakas.

True to life?

Dinampot ko ang phone ko't in-on ang flashlight. Inalis ko ang kumot at bumangon sa pagkakahiga. Namatay na ang aircon pero may naiwan pa ding lamig. Binuksan ko ang bintana. Malakas ang hampas ng ulan at hangin. Hindi safe kung bubuksan ang bintana kaya sinara ko na lang.

Bumaba ako sa ibaba para kumuha ng kandila. Sa kusina ay naroon si Aling Pacing na nagsisindi ng mga kandila.

"Aling Pacing, may kandila ka pa?"

"Oh, ito." Ibinigay niya ang isang kandila na nakatirik sa isang pillar candle holder.

Paglingon ko ay pumasok ang lolo bitbit ang flashlight niya.

"Dapat hindi ka na bumaba, 'lo. Aakyatan na lang kita ng kandila." Sabi ko at inilapag ang hawak kong kandila sa kainan.

"Hayaan mo na't nandito na ako." Sabi niya at binigyan siya ni Aling Pacing ng kandila.

Umupo ang lolo sa sentro ng kainan. Lahat ng mga kandila sa mahaba naming kainan nakasindi na para kaming nasa isang horror house. Parang 'yung pinapanood ko lang kanina. Umupo ako sa kanan niya. Hinain sa kanya ni Aling Pacing ang mainit na gatas na kanyang iniinom bago matulog.

"'Lo, kwentuhan mo nga ako."

Tumingin ang lolo sa akin. Uminom siya ng kaunti sa gatas niya.

"Gabi na, Andres. Bukas na lang."

"Sige na, 'lo. Kwento mo sa'kin ulit ang kasaysayan ni Lola Aurora at ng pag-ibig niya." Pangungulit ko pa.

"Oh, siya. Sige, para iyon ring maalala ang kwento nina Tiya Aurora at Juan Pablo,"


GODDESSS OF LOVE

1940

Payapa ang umagang iyon sa tahanan ng mga Montecillo. Bumukas ang de-kahoy na bintana at nakangiting sinalubong ni Aurora ang Haring Araw. Binuksan niya pa ang ibang bintana upang pumasok sa loob ng kanilang bahay ang malamig na hangin at liwanag. Sa lumang bahay ng mga Paz at Montecillo sa Ilocos Sur naninirahan si Aurora kasama ang kanyang pamilya.

Nagpabaga na siya ng uling. Hinugasan na niya ang bigas sa palayok at isinalang ito. May grandeyosong sementadong hagdanan ang nasa bukana ng kanilang tahanan patungo sa isang malawak na palapag ng kanilang bahay. Lumabas ng kanyang kwarto ang bagong gising na si Matias, bunsong kapatid ni Aurora.

"Magandang umaga, Matias!" Bati ng masiglang si Aurora.

Nagkakamot pa ito ng ulo dahil bagong gising. Umupo na ito sa kainan at naghihintay na ng almusal. Sumunod na ring nagising ang mga magulang nila na sina Dionisio at Jacintha.

One Great Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon