Flashback>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>
Andrew: Hello, Good Morning, My name is Andrew Montenegro From, Brgy. Lima, Quezon City. I am, 17 years old. I was from section 1B last school year but I decided to transfer here for new experience. J
Unang araw ng ikalawang taon nila sa kolehiyo noon. Unang beses niyang nakita si Andrew. Hindi pa sila magkakilala nina Mae,Yeng at Jhon. Ang madalas pa niyang mga kasama noon ay sina Jess at Grace.
Grace: ui, crush mo si Andrew nuh? Ang tingin ah..matutunaw si Andrew eh.hahaha
Heidee: hui hindi ah, mukha syang mayabang, hahaha,!
Grace: asus!,the more you hate the more you love!.hahaha
Heidee: I don’t hate him, I just don’t like him.
Grace: whatever!!
Yun ang unang beses na nakita niya si Andrew. Noong una ay talagang ayaw niya sa presence ni Andrew, sobrang nayayabangan siya dito pero may iba siyang naramdaman ng mga oras nay un pero hindi niya pinansin yon.
End of flashback<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<
Heidee: oh sya! Tara na nga ate Mae! Baka nagsisimula na ang klase natin!
Mae: oo na.tara na!
At naglakad na sila paakyat sa kanilang klase. Nadatnan nilang ang kakadating lamang na si Yeng at saktong pumasok na din ang kanilang Guro.
All: Good morning Mam!.
Mam Line: good Morning Class! Take your Sit! Ang dami nyo ata ngayon ah. Ok. Attendance muna tayo class.
At nagsimula na ngang magtawag ang kanilang guro.
Andrew Montenegro!
Andrew: present mam! (*sabay taas ng kamay)
Tumingin naman ng pang-asar na tingin ang kanilang guro kay Heidee na kasalukuyang nakaupo sa bandang unahan. Gumanti lang din si Heidee ng isang ngiting nagtatanong.
Nagpatuloy muli sa pagtawag ang kanilang guro.
At nang akmang tatawagin na niya si Heidee…
Mam Line: Heidee…..! Andrew wag kang maingay jan, making ka dito!
Andrew: yes mam!
Mam Line: ok, Heidee Apostol!!.(*malakas na tawag ng kanilang guro habang nakatingin kay Andrew).
Nilakasan talaga ng kanilang guro ang tawag sa kanya kahit nasa unahan na naman siya. Alam kasi nito ang nakaraan nila kaya ganoon na lamang siya asarin nito. Nagtawanan naman ang kanilang mga kaklase. At nagsimulang asarin si Heidee.
Will: Heidee! si Andrew nga pala!,Andrew si Heidee!
Namula bigla si Heidee pero pilit pa rin nitong nilingon si Will na katabi si Andrew.
Heidee: hi, Andrew,J (sabay ngiti rito).
Nagsigawan na naman ang kanyang mga kaklase pati ang kanilang guro ay napatawa na din sa kanila.
Natapos na ang kanilang klase pero sila pa rin ni Andrew ang topic ng mga ito.
Heidee: hay naku! Tigilan nyo na nga kami.Move on guys! (*sabay tawa)
Joy: naku! Heidee, masanay ka na.simula pa lang ito.hahaha.if I know..oops! if we all know..may something pa din jan. (*sabay turo sa puso ni Heidee)
Heidee: alah, ewan ko sa inyo, tigilan nyo na ako.pausap!(*sabay ngiti sa mga ito)
Mae: oh, sya!,tara na.kain na tayo may next class pa tayo.
Yeng: oo nga! Tara na.
Heidee: san tayo kakain?
Mae: bahala na, hanap na lang tayo.!
Heidee: Ok.cge!.