HAMPAS LUPA SA SARILING BANSA

3 1 0
                                    

"Hindi tayo nakalaya"
Oo, hindi tayo tuluyang nakalaya
Nakagapos at nagpapaalipin pa rin tayo sa sistema ng mga dayuhan
Sariling wika ay itinatakwil sa sariling bansa? Kawawang Pilipinas, napapaligiran ng mga malalansang isda.

Hindi lang malalansang isda mayroon ding mga mala perpektong mamayan na magagaling manghusga

Napapaisip ako, kung kailan nga ba tuluyang lalaya ang Pilipinas

Tinatangkilik ang wika ng ibang bansa ngunit mangmang sa sariling wika

Tinatangkilik ang produksiyon ng dayuhan at binabatikos ang gawa ng kapwa

Ipinagmamalaki at iniidolo ang mga taga ibang bansa ngunit kinagagalitan at kinasusuklaman ang kababayan

Tila ba naging advance na kayong mag-isip at nakulangan na sa aruga

Pagsasakripisyo ng mga bayani upang makalaya ay ibinabasura,

Hindi kailanman tayo makakalaya sa pandarayuhan

Hindi kailanman tayo makakalaya.. Hinding hindi

Nakakulong at nakagapos na tayo sa mga dayuhan, walang makakalaya...

Patawad mga Magigiting na Bayani, namatay kayo sa digmaan upang makalaya ang bansa ngunit kami mismo ang nagpapaalipin sa dayuhan.

Nakakalungkot isipin na TAYO'Y HAMPAS LUPA SA ATING SARILING BANSA.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 16, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HAMPAS LUPA SA SARILING BANSATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon