Overlooking the city, I watched as the sun slowly hide behind the tall buildings. Unti-unti ring nadepina ang mga ilaw na nanggagaling sa mga nagtataasang gusali ng siyudad. Looking at this scenario lessen the pressure I am feeling at the moment. It still amaze me how this foreign country bring peace in my heart and mind. It's like a breath of air after being drown in the ocean, an oasis in the middle of the dessert and a light after the never ending darkness.
"Sia?" Isang tawag galing sa kung saan ang nagpalingon sakin.
"Ma'am! Good evening po." Agad kong bati na may ngiti sa mga labi, sabay lakad palapit dito.
She sighed. "Sorry I kept you waiting. Natagalan masyado sa meeting. The boards are making my head ache." Problemadong pahayag nito.
"Do you want coffee or tea? I'll get you some," presenta ko sa sa nahahapong si Maam Melody. Nanhuhupong umupo ito sa single couch kaharap ng office table nito. She looked really tired.
"I want tea, please,"
"If you only allowed me to join you on the meeting I could've answered most of their questions. Hindi sana sasakit ang ulo mo ngayon," suhestyon ko sa kanya. Pumunta ako sa sariling pantry ng presidents office at kumuha ng gusto ni Maam.
"Okay lang din, masyado ka nang maraming ginagawa, I don't want to bother you anymore in this simple meeting, I can perfectly take good care of the board, hindi ko lang minsan maiwasan ang mairita," nilapag ko ang tea nito at agad naman nitong kinuha para inumin. Tinignan ko si Maam habang umupo narin ako sa mahabang sofa.
In her late forties Mrs. Melody Perez looks like she's just in her mid thirties. She's aging beautifully. No wonder nakakareceive parin ito hanggang ngayon ng mga bulaklak galing sa manliligaw. But seems like she's not interested to remarry after her beloved husband died. Ang swerte ng asawa nito sa kanya. True love maybe?
"Anyway, about you going to the Philippines..." Dahan-dahang simula ni Maam kaya kinabahan ako. Ito, ito ang dahilan kung bakit ako pumunta sa presidents office.
"Are you sure about this? We can just send someone there instead of you," nag-aalinlangan niyang sabi. No, if there is someone who can do the job better it is me, alam niya yun kaya hindi ko alam kung bakit nag-aalinlangan pa siyang papuntahin ako dun. Lumambot ang puso ko ng mapagtantong iniisip parin niya ang kapakanan ko kaysa sa negosyo. Kaya naman nabuo na ang desisyon ko.
"No maam, I will represent our company there. I already prepared everything." sabi ko. Determination evident on my face. I will go there for business only. I will represent the Perez' Hotel and Resorts and after that pwede na akong bumalik dito sa Singapore. That easy.
Madali lang pala sa salita, pero sa gawa, ewan ko. Hindi ko maiwasan kabahan habang kasalukuyan ako nakasakay sa eroplano papuntang Pilipinas. Ilang beses ko nang sinabi sa sarili ko na pupunta lang ako para sa event na gaganapin bukas ng gabi. It is a gathering of all the best hotels in Asia. Unfortunately for me, naimbitahan ang hotel na aking pinagtratrabahuan ng ilang taon.
Sumama pa si Maam Melody sa paghatid sakin sa airport, nag-aalala ito lalo pa't alam nito ang mga pangyayari sa buhay ko noong nandon pa ako sa Pilipinas. Pinaalalahanan pa ako nito ng mga bagay na gagawin ko pagtungtong ng bansa.
"Hug David for me okay? Puntahan mo sa opisina niya at nang makapag-usap naman kayo. At tanungin mo kung may plano pa ba siyang magpakita sakin!" Mahina akong natawa ng marining ang sarkasmo sa boses ni maam. Miss na miss na siguro nito ang nag-iisang anak. Swerte ni David at may ina siyang gustong-gusto siyang makita, kung ako nalang sana...
"And don't you forget to eat there, lady! Akala mo ba hindi ko alam na halos hindi ka kumakain pag nasa trabaho ka? Hindi pwedeng hindi ka kumakain kailangan yan ng katawan, tsaka sexy ka naman na, hindi mo na kailangang mag-diet!"