Umagang-umaga ganito ang salubong sa akin? Nice, ang lakas ng patugtog..
Teach Me How to Dougie, TiK ToK, Club Can't Even Handle Me, I Gotta Feeling, Just A Dream, Like a G6, Animal, Party in the USA, Dynamite, Imma Be... mga ganun..2010-ish, I don't know.. Ayaw n'yo ba ng Dark Horse? Kailangan ba talaga 2010? Nakakaadik talaga Dark Horse na kanta eh. :3
Pero nang marinig ko yung kantang ito, napaalala ako sa isang kaibigan ko... dati kong kasabay papuntang San Antonio na ngayon lumipat sa ibang school. "And truth be told, I miss you.. and truth be told, I'm lying."
Napangiti na lang ako... Naisip kong bumaba para kumain nang makita ko may bisita kami. Hinayaan ko lang nung una. Dumiretso ako sa table namin at kumuha ng isang pandesal... hanggang sa may lumapit sa akin sinabi, "Truth be told, I miss you."
Shet. Kilala ko na kung sino ang bisita namin ngayon. Tumingin ako sa kanya at sinabi,
"And truth be told, you're lying."
Alam kong 'di mo s'ya kilala.
Kapitbahay ko s'ya. Siya ang best friend ko nung bata pa kami... hindi si Colin. Kalaro ko lagi yan kapag 3pm na ng anim na taon. Siya yung tinutukoy ko sa isang lyrics ng Gives You Hell.
Siya si Caleb Beckham.
"Grabe, ka-miss ka nga ng sobra." sabi n'ya sa akin. Nagyakapan kami at binulong pa naman sa akin, "Siguro naman yung picture na may wedding dress ka suot mo Converse." at bigla na lang ako natawa at pinalo-palo ko s'ya sa braso.
"Eh ikaw? Yung picture mong may jeje cap tas bling bling? Red shirt na maluwang ah."
*** FLASHBACK ***
Nung grade six graduation namin, yung pamilya namin nagsabay ipinagdiriwang yung graduation celebration lalo na ako na kasama ako sa awardees... at si Caleb ay nakapasa sa ibang school. Nalungkot ako s'yempre nang malaman mong 'di mo na s'ya gaano makakausap kahit man magkalapit ang bahay namin. Makikita mo na lang kapag fiesta pero kung minsan naman wala s'ya kasi nasa probinsya o 'di kaya busy talaga sa pag-aaral... pero nung gabing iyon na patugtog ay Gives You Hell, sinabi ko sa kanya... "Nakakainis talaga yung mga jeje. Swag swag pa. Dougie. Luwang ng shirt. Bling bling. Ganun pa magsalita. Grabe. Eow phouxz mga ganun. Grabe. 'Di ko na alam, hayy."
"Gusto mo suot ako ng jeje cap? Tapos red na shirt.. maluwang. Bling bling at swagger pose... para alam mo yun.. mainis ka lang." tanong n'ya sa akin.
"Kung kaya mo lang, sige ba."
"Para sa idol ko, ge ba."
"Tae ka talaga, mababatukan na talaga kita."
"Haha, when you see my face hope it gives you hell."
"Tapos ano naman sa akin? Suot ng wedding dress tapos shoes pala ay Converse. Tapos sayaw ka ng Dougie?"
"Ay bagay. Picture kang ganun ha."
"Ulul, ayoko nga."
"Kahit wala na yung dougie, pre. Sige na."
"Lol, basta gagawin mo yung jeje picture mo?"
"Sige ba."
*****
"Lol, ayoko baka makita ng iba." tapos umupo kami sa may bar counter.
"Iba? Lol, akala ko ba wala kang hiya?"
"Eh, wala.. Natuto akong mahiya kasi.. alam mo yun... Ligaya."
Meron kaming sariling codename para 'di kami mapagalitan tungkol sa pinag-uusapan namin.
Hook
BINABASA MO ANG
More or less, I don't know.
Roman d'amourMoving on? 'Di yan uso sa'kin nung una hanggang sa napadpad akong Baguio. Grabe, nakita ko nga s'ya.. ang problema, mga ilang buwan na lang natitira sa school year kasi ga-graduate na s'ya Balikan ko man mga alala sa nakaraan, 'di pa rin titigil ang...