Chapter 20: Yours.

6K 102 5
                                    

JhasMean: Last chapter. Next is the EPILOGUE. Whooo. Guys, posted na ang Prologue ng Book 5 ng BLASeries. Just click the external link. Thank youuuu! :* :*

 

Dominique on the side -------------------------------->>>>>>>>>>>>>>>

 

Chapter 20: Yours.

Dominique Michelle Alcantara

Disoriented akong umalis ng ospital nang hindi nagpapaalam kay Jianna pero sinubukan kong magkaron ng ulirat dahil baka mamaya ay mapahamak ako sa byahe.

Napahawak ako sa tyan ko habang nakasignal na pula ang traffic light.

I'm having a baby. May fetus sa loob ng uterus ko. May... May buhay na tao sa loob ng katawan ko and I'm it's life support. Kapag hindi ako nag-ingat ay siguradong mapapahamak din ito.

Pero wala itong Papa.

Napahagulgol ako sa naisip ko. I'm going to raise this baby by myself. Lalaki itong walang Daddy. Meron pala, kaso hindi naman buo. Mabubuhay ito na komplikado ang buhay.

Dapat ko bang kausapin si Jhester? Dapat ba akong magmakaawa na sa'kin na lang siya at wag kay Izzie?

Of course, I can. If I have to be selfish then I will be. Ayokong lumaki ng walang Ama ang anak ko. As much as possible I want him or her to have a complete family. Gaya ng buhay na kinalakihan ko.

Nag-U-Turn ako papunta sa unit ni Jhester. Malakas ang pagkabog ng dibdib ko nang makita ko na ang building nito, nag-park lang ako at dumiretso na sa unit niya. Hindi ko na kailangang dumaan pa sa receptionist dahil kilala na ako nito kaya naman sumakay na agad ako ng elevator.

Nasa tapat na ako ng pinto ng unit ni Jhester nang hindi ko mapagdesisyunan kung mag-do-doorbell pa ba ako o basta na lang papasok. Pero pinili ko ang huli.

Pinindot ko ang passcode nito at pumasok sa loob. Automatic na magbubuhas ang ilaw ng unit ni Jhester kapag may pumasok doon, kaya naman kitang-kita ko na walang tao sa loob. Pumunta ako sa kwarto niya at wala din siya doon.

Kasama pa din kaya niya si Izzie?

Parang kinurot ang puso ko sa inisip ko. Maybe they're celebrating now. Kasi pwede na sila. I'm out of the picture.

Paalis na ako ng unit niya nang biglang mag-ring ang phone. Sineset ko ang bawat ring tone sa phone ko kaya naman kilala ko kung sino ang tumatawag sa'kin.

Nagdadalawang isip pa ako kung sasagutin ko ba ito o hindi. Pero sa huli ay pinindot ko ang answer button. We need to talk. Really, really need to talk.

"Jhester, nasan ka?" Nanginginig na tanong ko sa'kanya at tuluyan ng lumabas ng unit niya papuntang parking lot.

"Your house." Malamig nitong utas.

Galit ito. Pero bakit? Hayyy. Nagpaalam na ako dito at sinabing pauwi na din ako. Mabilis ang pagmamaneho ko at inabot lang thirty minutes ang biyahe ko.

Basketball Love Affair 4: Jump BallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon