Chapter 3 ♡ Penge number

238 5 1
                                    

        ( 1 week bago naganap ang insidente )

        Mika.

        ---

        Lumipas nga ang isang buong school week ay pesteng peste na ako dito sa seatmate ko. Nung isang araw lang, may naglagay ng gum sa likod ng upuan ko kaya't dumikit ito sa napakahaba at napakaganda kong hair nung umupo ako. One time rin, may naglagay ng glue sa arm rest ko kaya't malagkit na malagkit ang right arm ko buong araw.

        At mas worse, may nag vandal ng "I love CHICSER" at "CHICSERRIFFIC" sa books ko! Hello?! Hindi naman sa basher ako, ayoko lang talaga sa 'boyband' na yun. Stress sa bangs ha! Nakakaasar na talaga.

        Alam na alam ko kung sinong gumawa nun. Walang iba kung hindi ang hinayupak kong seatmate! Hiyang hiya naman si Lucifer sa ginagawa niya. Bwiset. Wala nga akong ginawang masama sa kanya tas ako pa ang gagantuhin niya? Nakakainis isipin.

        Hindi naman sa natatakot akong komprontahin siya sa pinagagawa niya.. Sinabihan ko nga siyang tigilan na ako ngunit ang sinabi lang niya ay wala daw siyang nalalaman sa sinasabi ko.

        Tsk! Sino nga naman bang kriminal ang aamin sa krimen niya?

        Makakaisa din ako sayo balang araw... Tandaan mo yan at isaksak mo sa kokote mo, Kyousuke!!

        Lintik lang ang walang ganti.

        ----

        Kyo.

        **Pagkatapos ng 2 chapters ay may sariling POV na talaga ako! Salamat, fans! Wink wink**

        Bagot na bagot ako sa kahihintay sa Trig teacher namin kaya't kinuha ko nalang ang phone ko at naisipang maglaro ng Doodle Jump..

        Slide open.

        17 missed calls.

        24 messages.

        Shit. Nararamdaman ko na bumibilis ang heartbeat ko.. 'Di kaya may masamang nangyari? Wag naman sana. Nag panic naman ako at dali daling chineck kung kanino galing yun.

        All from Rika.... Ulit.

        Isa pang shit. Si Rika Guttierez ang pinakalatest na ex-girlfriend ko. Batchmate ko siya dun sa Sakura International College. Mostly siguro na hinahanap na qualities ng mga lalake sa isang babae ay meron sa kanya. Mahinhin, maganda... at syempre sexy! Pasok na pasok sa hitlist. Kaya nga niligawan ko agad eh.

        Aaminin kong may naramdaman naman akong kakaiba sa kanya kaya naman ginawa ko siyang isang conquest. Di man lang ako nahirapan dun, eh sa isang tanong ko lang ay sinagot na niya agad ako.

        *Flashback*

        Kyo: Do you want to be my girl?

        Rika: Of course!

        Abot tenga ang ngisi niya sabay hatak sa akin at hinalikan ako. Woo! Raging hormones everywhere!

        Kung gaano niya ako kabilis sinagot ay ganun rin halos kabilis akong nagsawa sa kanya. Ang clingy! Depota pinaglihi ba yun sa mighty bond?

        I dumped her after 2 days. Yup. 2 freaking days. Matuturing ba talagang relationship yung namagitan sa amin? Ang dali lang naman kase. Ayoko kasing paasahin siyang mahal ko siya kahit hindi naman. Mas worse kaya yun.

Roommate By AccidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon