Chapter 21: Trial by Combat

35 6 26
                                    

Chapter 21: Trial by Combat


"I trust you, cousin. Alam kong ipapanalo mo 'to."

Umismid si Nana. "Oo, para malaya na akong makaganti sa'yo pagkatapos nito."

"Love you, too."

Ngayon nga ang trial by combat na gaganapin sa arena na adjacent lang sa palasyo. Hindi na nagawang ilihim ng monarkiya sa lahat ang mangyayaring trial by combat kaya punung-puno ang arena ngayon ng mga nobles at ordinaryong mamamayan.

Dahil winter parin at magiging mahirap ang laban kung may pumapatak na nyebe ay iniba ng reyna ang panahon sa may paligid ng arena.

May high platform para sa hari at reyna at maging ang council ay may separate seats mula sa lahat kung saan kitang-kita nila ang magaganap na laban.

Habang nasa gilid ng arena at napapalibutan ng knights ay hindi maiwasan ni Chan Lien na marinig ang mga komento ng mga mamamayan gaya ng 'Murderer!' 'Taksil sa monarkiya!' na hindi nalang niya pinagtuunan ng pansin.

Biglang natigil ang ingay nang makarinig sila ng pagtugtog ng drum na dinig sa buong arena. Ang katahimikan ay napalitan ng mas malakas na hiyawan ng mga manunuod lalo na nang dumating na ng arena si Nana.

Nahagip nito ang mata niya at nakipagtitigan ng ilang segundo bago taas-noong pinagpatuloy ang paglalakad sa gitna. Nakasuot ito ngayon ng full armor at hawak ang sai sa dalawang kamay.

Sunod na dumating ay ang representative ng hari na si Tao kaya lalong nag-ingay ang mga manunuod

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Sunod na dumating ay ang representative ng hari na si Tao kaya lalong nag-ingay ang mga manunuod. Gaya ng kalaban ay nakasuot din ito ng full armor habang hawak sa isang kamay ang kaniyang longsword.

Hindi rin mapigilan na magpustahan ang mga mamamayan dahil alam nilang magiging maganda ang laban ngayon. Karamihan ay pumusta na mananalo si Tao dahil ito ang kasalukuyang Marshal ng palasyo. May ilan naman na kay Nana ang pusta dahil isa din itong lady knight at tinalo pa dati si Tao sa ranking.

Sinenyasan na ni Kris na magsimula na ang combat kaya muling umugong ang tunog ng drum. Naghanda ang dalawa ng kani-kanilang armas at helmet. Si Tao ay naglagay pa ng gauntlet bago hinanda ang longsword habang si Nana ay sinuot lang ang helmet at pinaikot-ikot lang sa dalawang kamay ang sai.

 Si Tao ay naglagay pa ng gauntlet bago hinanda ang longsword habang si Nana ay sinuot lang ang helmet at pinaikot-ikot lang sa dalawang kamay ang sai

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Coveted (EfEP #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon