Ungrateful Love (One shot)

86 0 0
                                    




Isang pagtunog ang aking narinig na naging hudyat na ito na ang simula na wala ng atrasan kahit na ano man ang mangyari. Unti-unting bumukas ang pintuan na sana hindi na ito nangyari. Kung pwede lang sanang pigilan ay ginawa ko ngunit hindi maaari dahil ayaw kong makagawa ng eksena . Ayaw kong sirain ang espesyal na araw na ito.

Napatingin ako sa langit, makulimlim ito at nagbabadyang umulan marahil nakikisama din sa aking nararamdaman. Napangiti ako ng mapait at pumunta na sa aking pwesto

Nag-umpisa naring tumunog ang mga musika na gawa ng iba't-ibang instrumento at ang isang awitin na nagpaiyak sa akin ng husto.

Ngunit kahit lumuluha ang aking mga mata ay pinagpatuloy ko parin ang paglalakad na may ngiting nakapiskil sa aking labi. Lahat ng mga tao ay nakangiting nakatingin sa akin. Hindi nila alam na sa bawat luha na tumutulo sa aking mata ay hindi dulot ng kasiyahan kundi ang sakit at panghihinayang

Ano mang gara at ganda ng aking suot ay hindi ko ito magawang bigyan ng pansin. Alam kong kumikislap ito sa mga dyamanteng nakaukit sa paligid ng tela at ang sobrang dulas ng telang ginamit. Ngunit Ano ngaba ang saysay ng isang damit kung ang nagsusuot nito ay hindi masaya? Kung ang nagsusuot nito ay nasasaktan? Nais kung tumakbo palayo sa lugar kung saan ako ngayon. Pagod na akong magpanggap na masaya. Pagod na akong tumango sa lahat ng desisyon na gawin nila sa akin. Kailan ba ako magkakaroon ng sarili kong kaligayahan na ako mismo ang pumili at nagdesisyon nito? In my 20 years of  existence hindi ko naranasan ang salitang 'freedom'. Dahil kahit ang salitang yan ay hindi din sa akin pinaalam ng mga taong nakapaligid sa akin.

" Jude.."  tawag ko sa kanya

" Bakit? " sagot niya na may ngiting nakapaskil sa kaniyang labi.

" Mahal kita " bulong ko habang nakayuko ni hindi ko magawang tumingin sa kanya

" Niloloko mo ba ako Riz? " natatawang sabi niya na nagpadurog sa akin ng husto

" Hindi dahil mahal kita at kahit kailan hinding hindi kita lolokohin "

" Patawad may mahal na akong iba at sa kanya ko lang nais ilaan ang aking pagmamahal" seryosong sagot niya

Sobrang sakit marinig ang mga salitang yan sa kanya. Bakit niya ako binigyan ng dahilan na manatili at patuloy na mahalin siya kung wala naman pala akong puwang sa puso niya? Ano ako? Isang laruan? Na pagkatapos siyang pasayahin at pagkatapos niyang
makuha ang pakinabang niya ay itatapon na lang niya ako bigla?

" Nandito naman ako ah? Bakit siya pa? Pinapasaya naman kita. Kulang pa ba iyon Jude? Sa buong buhay ko kayo ng mga magulang ko ang nagdesisyon sa akin hindi ba pwedeng ako naman ang magdesisyo  para sayo? Nasasaktan ako jude" yumuko at patuloy na umiyak. Isinaad ko lahat ng mga hinanakit ko sa kanya baka sakaling magbago ang isip niya

' Baka Sakali ' Yan ang salitang pinaniniwalaan ng mga taong alam na nila kung Ano ang mangyayari. Pinaniniwala nila ang kanilang sarili na baka pwede pa na baka may paraan pa para maayos ito. Pero kapag nalaman na nila ang totoo ay magagalit sila sa taong naging rason ng salitang 'baka sakali' ngunit ang totoong may kasalanan ay tayo. Tayo dahil nag isip pa tayo ng mga bagay na malabong mangyari. Binigyan nanga tayo ng 'hint' pinanindigan parin natin ang ating desisyon. Yun tayo eh basta mahal mo kaya mong ipusta lahat.

Pero lahat ng yun pala ay mali. Kung alam na natin kung Ano ang magiging produkto nito ay bumuwag na tayo. Kahit anong kapit mo kung siya na mismo ang bibitaw ay wala kanang magagawa. Katulad nalang kapag may isang napakalas na pagbaha at ang iyong kinakapitan ay isang lubid na nakatali sa isang puno.  Hindi tayo sigurado kung mananatili bang nakatayo ang puno o magpapa agos nalang ito sa tubig. Ni isang sagot ay wala tayong alam dahil hindi natin hawak ang puso at utak ng isang tao.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 08, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ungrateful LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon