Buti ka pa ang saya-saya mo.
Buti ka pa ang latu-layo na nang narating mo.
Buti ka pa hindi mo ako naaalala.
Buti ka pa nagmamahal na nang iba.Buti ka pa, kuntento, ang nararamdaman mo masaya at kumpleto. Masakit lang isipin na naging kumpleto ka nung iniwan mo ako.
Mukhang lagi kang masaya sa piling niya, parang sa kanya na umiikot ang mundo mo na dati sa akin mo pinapadama. Lagi mo siyang kasama, hawak ang kamay, sa paglalakad ay kasabay na dati ako ang gumaganap sa'yong buhay.Buti ka pa masayang naglalakbay papalayo sa akin.
Tutuparin lahat nang pangarap at lahat ay aabutin.
Katulad lang nang plano at mga pinag-usapan natin,
Ang pinagkaiba lang sa piling na niya at hindi na sa akin.Hindi ko alam kung paano ako magsisimula eh,
Hindi ko alam kung anong klaseng iyak ang gagawin ko o gaano pa karaming luha ang lalabas sa mga matang walang nakikita kundi ang pag-ibig mo. Pag-ibig mo na nawala na at alam kong hindi na maibabalik pa kasi pinapasaya kana nang iba at ang mas masakit mas pinili mo siya.Gusto kong magpakalasing, gusto kitang kalimutan.
Gusto kitang sumbatan, pero hindi kita kailanman kayang saktan.
Gusto kong magwala, gusto kong sumigaw,
Gusto kong bumalik ka, pwede ba? Pwede ba sakin kana lang ulit.
Hindi ko na pipiliing lumayo sa'yo at susubukan kong habang buhay ka nanag kakapit.
Gusto kong lumaban pa at patunayang mas karapat dapat ako,
Pero ikaw na ang lumayo at parang sinasabing sumuko na ako.
Ang sakit sakit naman magmahal, hindi ko alam na hahantong sa ganito.
Akala ko ba mahal mo rin ako, ako lang, ako lang hanggang dulo?
Nangako ka eh, umasa ako.
Naniwala ako at ngayon nagmukha lang palang gago.
BINABASA MO ANG
Hugot Spoken Poetry (COMPLETED) Under Ukiyoto Publishing House
PoetryFilipino poetry at pinaghuhugutan