Huwag kang Manghinayang

81 1 0
                                    

"Huwag kang Manghinayang"

Huwag kang manghinayang sa taong hindi mo naman sinayang,
Huwag mo pagsisihan na sukuan ang taong hindi ka naman kailanman pinaglaban,
Huwag mo ring isipin na mali ka,dahil di mahalaga kung sino ang nang-iwan,
Ang totoong problema?Ano ang sobra,at ang kulang?

Huwag kang manghinayang sa mga ginastos at efforts mo,
Kase,hindi naman niya yan siguro hiniling sayo,
Ikaw naman ang nagtulak sa sarili mo,
Papunta sa pagkahulog sa walang hanggang balon, kung saan wala naman sayong sasalo

Huwag kang manghinayang sa oras at panahong binigay mo sa kanya,
Huwag mo ring isipin na naging panakip butas ka lang pala,
Huwag mo isipin na mali ka at tama siya,
Kase kung kayo talaga?Ke kulang o sobra, kayo na talaga

Huwag mo na ipilit kung ayaw niya sayo,
Na para kang damit na pilit sa kanyang pinasusuot,
Huwag mo na pagsisihan na siya ay sinukuan mo,
Kase kung talagang mahal ka niyan, di yan susuko

Huwag kang manghinayang sa pagmamahal na iyong ibinigay,
Huwag mo ring isipin na may kulang sayo kaya kayo naghiwalay,
Wag mo ring isipin na panget ka kaya kayo hindi naging bagay,
kase wala naman sa itsura yan kundi sa paano ka makikibagay

Huwag kang manghinayang sa taong iyon,
Oo mawawala siya sayo,pero hintayin mo ang tamang tao,
Yung hindi ka na susukuan kahit pagod ka nang lumaban,
Iyon, iyon ang taong masarap yayain sa kasalan at hindi pang lokohan.

Manghinayang ka kung di ka lumaban kaya ka niya sinukuan,
manghinayang ka kung minahal na niyang tunay ngunit di mo naman pinaglaban,
Manghinayang ka kung pilit ka niyang iniintindi pero di mo naman siya kinailangan,
MANGHINAYANG KA KUNG NAKABINGWIT KA NG ISDA NGUNIT PINALIT MO AY HIPON NAMAN.

Hugot Spoken Poetry (COMPLETED) Under Ukiyoto Publishing HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon