Ala-ala Na Lang Tayo
Bakit ka pa dumating kung aalis ka lang din?
Bakit mo pa sinabing mahal mo ako kung maglalaho din?
Bakit mo pa ko hinayaan masanay na kasama ka kung iiwan mo din ako?
Bakit pa naging tayo kung ngayon ako ay tuluyan nang tinalikuran mo?Hindi ko na kayang ngumiti ng totoo,
Hindi ko na kayang bumalik sa dating ako, yung walang problema at lagi lang nakatawa kasi alam kong pagkatapos ng buong araw ikaw ang makakasama.Hindi ko na kayang tumingin sa salamin,
Hindi ko na nakikita yung totoo kung ano talaga ang sakin.
Dahil natatakot akong baka lahat nang aking nakikita, bukas makalawa ay pagmamay-ari na ng iba.Hindi ko na kayang maging totoo sa sarili,
Pinipilit kong isipin na babalik ka ulit at mananatili. Hindi ko kayang mawala ka sa tabi ko, hindi ko kayang iwan ako.
Hindi ko kaya, paano pa kaya ang kalimutan ka at alisin sa puso ko?Ayoko nang ganitong pakiramdam, pero hindi ko alam kung paano maiwasan. Maiwasan o tuluyan ng iwaksi sapagkat sa akin wala kana talagang paki.
Hindi mo alam kung gaano ako nasasabik sa'yo sa bawat araw na lumilipas na ako'y wala sa piling mo.
Hindi mo alam na daig ko pa ang batang inagawan ng pagkain kung umiyak sa gabi, habang ikaw natutulog ng mahimbing ng walang pag-aatubili.Sabagay sino ba ko para isipin pa, sino ba ako para maalala pa.
Isang nakaraan na lang naman ako para sa'yo at isang ala-ala.
Ala-ala na maaaring balikan sa isip pero hindi na kailanman mamahalin mo pa.

BINABASA MO ANG
Hugot Spoken Poetry (COMPLETED) Under Ukiyoto Publishing House
PoetryFilipino poetry at pinaghuhugutan