Kung hindi mo na ko mahal, sabihin mo lang.
Kung hindi mo na ko kailangan, sabihin mo lang.
Kung mayroon ka nang iba, sabihin mo lang.Kung hindi mo na ko mahal, sabihin mo lang.
Hindi mo naman kasalan na ang pag-ibig mo saken ay nawala na lang.
Hindi ako magagalit pero hindi ko maipapangakong hindi ako iiyak.
Hindi ako magdaramdam pero hindi ibig-sabihing hindi rin nasasaktan.Kung hindi mo na ko kailangan sabihin mo lang.
Kilala naman kitang matibay at matapang.
Alam kong kaya mo nang mag-isa pero lagi parin kitang maaalala.
Alam kong buo kana dati kahit hindi mo pa ko nakakasama.Kung mayroon ka nang iba, sabihin mo lang.
Wala naman akong magagawa, eh yan ang yong nararamdaman.
Kaya kong tiisin ang sakit nang hindi mo nakikita,
Basta alam kong lagi kang masaya kahit hindi dahil sa akin at sa piling na ng iba.

BINABASA MO ANG
Hugot Spoken Poetry (COMPLETED) Under Ukiyoto Publishing House
PoetryFilipino poetry at pinaghuhugutan