Game Over

1 1 0
                                    


“Love is like a Basketball game. Kailangan mong makipag-agawan para manalo. Kailangan mong idepensa para hindi makuha ng iba at kailangan mong makarami ng puntos hanggang sa maubos yong oras at hindi umabot sa GAME OVER. Don mo kasi makikita kong panalo ka ba o Talo ka. “ - Nam

Ako si Nam.  Naomie Xiao Si ang totoo kong pangalan. Forth year college sa Zhejiang University. Sa totoo lang hindi ako sikat sa School namin. Hindi kasi ako maganda. Kapag kasi maganda ka, sikat ka. Hindi ako masyadong kaputian, dahil sa half chinese at half Filipino ako. May pagka kutis morena lang ako. Nakuha ko yon kay Mommy.

Mahilig ako sa Basketball. Lalo na kung yong pinapanigan ko ay palaging nakaka shot ng bola. Hindi talaga ako umaalis hanggat hindi natatapos yong laro at dahil sa pagkahilig ko sa laro ay hindi ko inaasahan na may nakakuha ng attensyon ko. Hindi ko alam kung bakit siya agad yong nakita ko ng mga panahon na yon.

Sport fest. namin non sa school ng mag referee siya sa laro ng basketball sa University namin. Una ko pa lang tingin sa kanya ay crush ko na siya. Kamukha niya kasi yong character sa Korean novella na paborito kong actor na si Nam Joo Hyuk. Matangkad siya, medyo singkit yong mata. Cute niya rin kapag ngumingiti. Halos talaga magkahawig sila. Kaya lagi akong nasa basketball court non para manuod ng basketball.

Lahat ng kaibigan ko ay niyayaya ko para may makasama akong manuod ng basketball at ang lagi nilang sambit ay  “Hindi naman yong laro yong tinitignan mo don eh, yong referee. “ Yan lagi yong sinasabi nila sa tuwing kinukulit ko silang manuod.

Natatawa pa nga ako dahil kahit gaano sila kainis dahil sa kakulitan ko ay sinasamahan parin nila ako.

“Oh! Nam, yong crush mo oh, andun.”

“Asan?”

“Sabi na nga ba, yong referee yong talagang pakay mo dito. Sige nga, try mong e-cheer yong referee.”

Ngiti-ngiting sambit ni Euzon. Hindi ko na lang siya pinansin at binalingan ko na lang si Crush na busy sa kakatingin sa mga players. Sa tuwing uuwi ako laging may ngiti yong mga labi ko dahil hindi masukat yong kasayahan ko sa tuwing natititigan ko siya.

Third Day ng sport fest namin nong malaman kong ex pala siya ng kaibigan ng kaibigan ko. Ang sabi niya napaka-f*ck boy daw nito dahil nong sila  pa daw ay niyaya siya nitong magpahinga daw sa kung saan, dahil pagod daw ito galing sa paglalaro ng basketball at dahil don naisip ng kaibigan ng kaibigan ko na umuwi ng mag-isa at iwan si crush dahil may sinabi daw ito na don daw sa kabarkada nito sila pupunta, eh, sa mga nag-iinom daw yon. Kaya simula nong iwan niya si crush ay hindi na sila nito nagkaroon pa ng communication.

Fourth day ng sport fest. ko rin nalaman na may girlfriend na pala, sabi ng kaibigan ko. Nag-aaral din daw yong girlfriend nito sa Z.U pero graduate na  ng education at nagtuturo na sa isa sa mga sikat sa school dito sa Zhejiang.

Inaamin ko nanglumo ako sa mga nalaman ko tungkol sa kanya. Kaya ang ginawa ko inalam ko yong pangalan niya sa kaibigan ng kaibigan ko kaya sinearch ko yong name niya. Siya si Hyu Sui Jae, 20 years old, in a relationship since May 14 2014. Nadurog bigla yong puso ko. Alam kong sa umpisa pa lang ay talo na ako. Dahil unang-una, maganda yong girlfriend niya, pangalawa, matagal na sila, pangatlo, pareho na silang graduate at may magandang trabaho na si girl. At ako? anong panama ko sa girlfriend niya.

Pag-uwi ko sa bahay ay parang binagsakan ako ng langit sa sobrang panlulumo. Hindi din ako makatulog dahil sa mga nalaman ko. Magdamag akong umiyak na kahit minsan natatawa na lang ako dahil bakit ko naman siya iniiyakan ng ganito na kung tutuusin, wala akong karapatan. Ni hindi niya nga ako kilala. Ni kahit minsan hindi siya tumitig sakin, pero bakit ganito. Bakit parang ang bigat-bigat ng pakiramdam ko.

Game Over (Completed) Where stories live. Discover now