Prologue

112 3 1
                                    

  Maghihiganti ako sa inyo. Papatayin ko kayo. Sinira niyo ang buhay ng kapatid ko. At ngayon buhay niyo naman ang sisirain ko. 


"Condolence po" mga katagang naririnig ko na sinasabi nila ngayon. 

 Hindi ko matanggap na wala na ang aking kapatid. Pero hindi nila alam na kapatid ko si Angelo.


Humanda kayo. Kasi yung akala niyong mabait may tinatagong kademonyohan ang isip. 


 " Nak pahinga ka na alam kong wala kang tulog. Saka wag mo pabayaan ang sarili mo. Hindi ko kaya na pati ikaw ay mawala rin sakin" sabi ni nanay.

Nakikita ko yung namumugto niyang mga mata. 

" Sige nay. Alam kong kakayanin natin to at hindi gusto ni Angelo na malungkot tayo. Papahinga napo ako nay at kayo rin wag nyong pabayaan ang sarili mo." At ngiti lamang ang sinagot niya sakin. 


 Nagtungo ako sa akong kwarto upang ipahinga ang pagod kong katawan. Halos 3 araw na ako walang permanenteng tulog. Dapat akong magpahinga upang paghandaan ang paghihiganti ko sa kamatayan ng aking kapatid.


 Hindi ko parin malilimutan ang mga sinabi ng aking kapatid bago siya mamatay. Kung anong pagpapahirap ang ginawa niyo sa kanya. 


Hindi na kayo naawa. 


 Pinikit ko ang aking mata at nakikita ko yung mukha ni Angelo na nakangiti sakin at hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha saking mga mata.


 Napabuntong hininga ako at pinunasan ko ang aking mga luha. At may naririnig akong mahinang bulong na

 "Kuya ipaghiganti mo ko....... " alam kong tinig ito ng kapatid ko. 

 " Pangako, bibigyan ko ng hustisya pagkamatay mo Angelo".  

KILLING UNIVERSITY [ON GOING]Where stories live. Discover now