Crayola

2.2K 4 0
                                    


Lahat ng tao ay dumaraan sa iba't ibang mga pagsubok sa buhay. May mahirap, may magaan, may sakto lang ngunit may nakakamatay.

Mahalaga ang buhay ng bawat tao. Ito ay sa katotohanang ang bawat isa ay may kanya-kanyang tungkulin na dapat gampanan sa mundong ito.

Ang buhay ng tao ay binubuo ng matatamis at mapapait na karanasan na siyang nagbibigay kahulugan sa eksistens ng isang nilalang sa mundo. Kabilang sa karanasang ito ay ang mga emosyong tulad ng saya, lungkot, pasakit, pighati, pagdiriwang, kapayapaan, katiwasayan at marami pang damdamin na siyang nagbibigay kulay sa buhay.

Ang buhay ay binubuo ng iba't ibang kulay na naglalarawan sa bawat bahagi ng pagkabuo ng buhay. Dilaw, na siyang naglalarawan ng sayang walang kapantay, itim, kapag nagdadalamhati o nalulumbay, puti, para sa damdaming may kapayapaan at kaluwalhatian, asul na naglalarawan sa kalamigan ng nararamdaman, pula, na nagsasaad ng bugso ng damdamin. At marami pang iba na naglalarawan ng kulay ng buhay.

Malikhaing Pagsulat: Mga Tula, Maikling Kwento, Dula at SanaysayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon