TEN: COFFEEJAM MOMENT?

4 0 0
                                    

Coffee's point of view

Sa wakas!naisipan din ni author na bigyan ako ng sarili kong point of view! Kawawa naman ako. Kung kailan nasa kalagitnaan na ng story na 'to saka lang niya ako binigyan ng point of view ko. Nahahalata tuloy na may favoritism siya. Tapos,si bessy Cinnamon binigyan niya ng love life,ako?ito nganga!. Sabagay ang bessy ko naman talaga ang bida dito,sabit lang ako. Pero sana,bigyan naman niya ako ng papabol tulad ni papa Grant---

"OUCH!"

Ano ba 'yan? Sinusulit ko pa nga lang 'tong first ever moment ko may panira agad! Nasapo ko ang tuktok ng ulo ko.

"ang sakit ha! Sino bang walang hiyang bumato sa'kin ng bola?"

Tama po kayo ng basa. May balahura nga pong bumato sa akin ng bola ng basket ball at tinamaan lang naman ako sa bumbunan!

"Miss sor---IKAW?!"- Jam

"IKAW?!"-Ako.

Kapag minamalas ka nga naman oo. Miss Author naman! Ang sabi ko bigyan mo ako ng papabol at hindi mukhang tukmol! Pinulot ko ang bolang nanakit sa akin.

"Kutong-lupa! Nagkita nanaman tayo."-Jam

"Malas ko nga eh,ikaw pang nakita ko."

"ANONG SINABI MO?!!"-Jam

"IKAW BA ANG BUMATO SA'KIN HA?!" Imbis sagutin ang tanong niya,ay tinanong ko rin siya. Pinaningkitan ko pa siya ng mga mata ko. Kabuwiset eh!

"Ako nga,ano naman ngayon sa'yo? At excuse me,hindi kita binato sadyang tatanga tanga ka lang talaga kaya ka tinamaan sa ulo."-Jam

"ABAT!EH KUNG SA'YO KO KAYA IBATO ITO HA?!"

"GAWIN MO!HINDI YANG PURO KA SATSAT!GALIT NA GALIT KA SA'KIN SAMANTALANG WALA NAMAN AKONG GINAWA SA'YO,KASALANAN KO BANG TANGA KA KAYA DI MO NAILAGAN YUNG BOLA?!!"-Jam

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at ibinato ko na sa pagmumukha niya yung bola! Hah!serves him right!

"AW! WHY DID YOU DO THAT?BAKIT MO AKO BINATO NG BOLA,HA?!"-Jam

"Excuse me,hindi kita binato ng bola,sadyang tatanga tanga ka lang talaga kaya ka tinamaan. At isa pa,bakit galit na galit ka sa'kin? Wala naman akong ginawa sa'yo,kasalanan ko bang tanga ka kaya di mo nailagan yung bola?". Balik ko sa lahat ng sinabi niya sa akin.

"YOU'RE REALLY GETTING INTO MY NERVES, YOU FREAK!!!!"-Jam

"I don't care! Ngayon,patas na tayo."

Magwo-walk out na sana ako nang bigla na lang niya akong higitin sa braso ko. Buwisit talaga siya sa peaceful kong buhay!

"Do you really think you can get away with me that easily?"-Jam

"BITIWAN MO NGA Ako!"

"Sus,pakipot ka pa! Alam ko namang gustong gusto mong hinahawakan kita eh..."-Jam

Wow! Ang kapal talaga ng fezlak nitong mocha jam na 'to! Saan kaya niya nakukuha ang sobra sobrang kapal ng apog niya?

"O baka naman...gusto mong halikan uli kita,honeybunch..." He whispered to my right ear.

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Jam. Naalala ko na naman ang first encounter namin ng tukmol na kaharap ko.

<FLASHBACK>

Waaahhhh,NO! WAG! PLEASE AYOKO NG FLASHBACK MISS AUTHOR!PARANG AWA MO NA WAG! AYOKO NANG MAALALA ANG MGA NANGYARI AYOKO NANG MAALALA KUNG PAANO NIYA NINAKAW ANG FIRST KISS KO! UGH! THAT WAS A NIGHTMARE FOR ME!

[steffieyuaey's note: at dahil mabait ako. Sige,pagbibigyan ko siya....so readers,sorry pero.....ito na ang malupit na flashback,BUWAHAHAHAHAHAHAHAHAH!!]

my cupid ghostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon