Nakaw na Alaala

6.9K 127 26
                                    

This is an original story.

People, places or events that are similar to others are purely coincidental.

All of the matters written and shall be written are all fictional.

Nakaw na Alaala

Written by: iHeartCMU

All Right Reserved | 2012

***

Hahakbang na ako palayo, pero kahit nakakailang hakbang pa ako, bigla niya akong tatawagin. At sa paglingon ko, ngingitian niya ako. Sasabihin niya ang mga katangang, “Mahal kita Chris”, mga katagang nagpapangiti sakin ng mapakla.

At sa pagtalikod ko ay bigla na lamang tutulo ang mga luha ko. Sabay ng pag-iyak ko ay ang lungkot na aking nadarama dahil hindi naman iyon ang pangalan ko.

At sa pagkakataong iyon, alam ko, nakalimutan na naman niya ako. 

---

Mahal kong Adi,

Naaalala mo pa ba yung unang pagkakataong nagkita tayo? Nasa mall ako nun, hinihintay ang mga kolokoy kong mga kaibigan. Bibili raw kasi sila ng mga regalo nila para sa mga kasintahan nila dahil sa susunod na linggo na ang Valentines Day. Dahil dakilang single ako, di ko magawang tumaggi sa pakiusap nila na samahan sila sa pamimili, syempre, wala akong maidahilan eh.

Tahimik lang akong nakatayo sa may gitna ng mall habang hinihintay sila nang bigla ka nalang sumulpot sa harapan ko. At mas ikinagulat ko pa nung bigla mo akong sinuntok. Buti nalang babae ka, kaya di masyadong masakit ang pagkakasuntok mo sakin. Pinakalma ko lang ang sarili ko at tinanong ka kung bakit mo yun ginawa. Sabi mo, kamukha ko kasi ang kasintahan mong nang-iwan sayo. Mas nainis pa ako lalo nung sinuntok mo na naman ako sa may braso. Nakakadalawa ka na nun at ni hindi man lang kita kilala. Papatulan na nga sana kita kahit babae ka, pero bigla ka nalang hinila ng isang babaeng nagpakilalang best friend mo at siya na ang humingi ng pasensya para sayo.

Pagkatapos nung araw na yun, akala ko okay na ang lahat pero di pa pala. Dumating ang araw na ang naging lesson namin sa PE ay Soccer. Kaya naman ang ipinagawa samin ay ipinasipa ang bola nito. Pero sa di inaasahang pagkakataon ay napalakas yata ang sipa ko at nakatama ako ng isang tao. Lumapit ako sa kanya para mag-sorry pero nabigla ako nung lumingon siya at nakita ko ang pagmumukha niya.

Ikaw pala ang natamaan ko kaya naman sa pangatlong pagkakataon ay sinuntok mo na naman ako. Di masyadong masakit ang suntok mo, yun pala, kasi nahimatay ka nalang bigla. Dahil guilty ako na ako ang may kasalanan, di kita iniwan. Binantayan kita hanggang sa magising ka. Nung makita mo ko, susuntukin mo na naman sana ako pero buti nalang nakailag ako.

Ihahatid pa nga sana kita sa inyo pero sabi mo sakin na huwag na, baka daw kasi anong gawin ko sayo. Asa ka naman, di ka naman ganun kagandahan. Nagpumilit ako pero sabi mo na susunduin ka naman ng driver mo kaya umuwi na rin ako. Kinabukasan, hinanap kita. Kakamustahin sana kita pero mukhang brutal ka talaga. Susuntukin mo na naman sana ako eh. Buti nalang nakailag ako, syempre, sanay na ako sayo.

Nakaw na AlaalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon