Kenzo's POV:
"Sabi ko na nga ba eh.. Sabi ko na nga ba't babalik ang nararamdaman mo para sa kanya oras na makita mo siya ulit.." Ika ni Kyra.
Yes..
Nag aaway kami dahil kay Justine..
"Beb.. Bakit ba ayaw mong maniwala sa akin? Ikaw na nga ang mahal ko.." Sagot ko.
Natawa siya.
"Hindi ako tanga Kenzo.. Nakita ko kung paano ka tumingin sa kanya.. Nakita kong binabantayan mo bawat galaw niya.. Nakita kong apektado ka kapag malapit siya.. I can see it.. At mas lalo akong nasasaktan dahil kitang-kita ko na nga pero dini-deny mo pa.." Sagot niya.
Huminga ako nang malalim.
"Kyra.. Look.. Justine is just a part of my past.. Tapos na kami.. Ikaw.. Ikaw na ang present ko.. Ikaw na ang mahalaga para sa akin.. So please.. Stop this.." Sagot ko.
Umiling siya.
"Akala ko kaya ko.. I thought I could handle her.. Pero I can't.. Nung nakita ko siya para akong nanliit sa sarili ko.. Sobrang ganda.. Sobrang talino.. Ang layo nang narating niya sa buhay.. Ang layo ko sa kanya.." Sagot niya.
Nilapitan ko ang gilrfriend kong nakaupo sa couch na nasa loob nang kwarto ko.
"Beb.. Maganda ka.. Matalino.. Ang galing mo ngang IT eh.. Nung una palang kitang nakita sobrang attracted na nga ako sayo eh.. Boyish ka pero ang gandang boyish.." Sagot ko.
She looked at me.
"Talaga? Paano kung mahal ka pa ni Justine? Babalik ka pa ba sa kanya?" Tanong ni Kyra.
Bigla akong natigilan sa sinabi niya.
Paano nga no?
Paano nga kung mahal niya pa ako?
NO! ERASE! WAG! STOP!
"Beb.. Malabo na 'yon.. She doesn't love me anymore.. Isa pa I have you na.. I don't need her kasi I am contented with this.. With us.." Sagot ko.
Kyra smiled.
"Sige.. Pero ngayong gabi pwede bang doon ka sa apartment ko matulog?" Tanong ni Kyra.
"Pero beb.. hindi pa weekend bukas eh.. I need to go to work.." Sagot ko.
"Edi pumasok ka.. Mag dala ka nang damit mo.. You can leave early tomorrow.." Sagot niya.
Tinignan ko siya.
HAY!
Nag aaala 'to kasi nandito si Justine sa mansyon..
Sige na nga..
"Okay.. Doon ako matutulog sa apartment mo ngayon.." Sagot ko.
She smiled then she hugged me.
"Thanks beb.." Sagot niya.
---------------------------------
Justine's POV:
Kasalukuyan na akong nag papaalam sa mga Ate ko at sa mga asawa't anak nila.
"Sigurado ka bang gusto mong mag hotel? Pwede ka naman dito eh.." Ika ni Ate Jaja.
"Ate.. Malaki na ako.. Kaya ko nang sarili ko.. Tsaka bukas nandito ulit ako.. Bibisitahin ko ulit kayo.. Wala pa naman akong ginagawa kaya araw-araw mo akong makikita.." Sagot ko.
BINABASA MO ANG
SECOND CHANCE | #WATTYS2019 (COMPLETED)
RomanceAng taong mahal niya? O ang isang opostunidad na minsan lang kung dumating? PANGARAP o PAG-IBIG?