The Fate of Mine as a Girl
Prologue
Ramdam ko ang bilis nang kabog ng dibdib ko habang nakatingin sa mga sasakyang dumaraan. Kinakain ako ng kaba at inis sa sarili ko. Pakiramdam ko... Gusto ko na rin lang mawala para matapos na ang lahat.
Napatingin ako sa phone na hawak ko.
Rain is calling...
Nanginginig akong napayukom ng kamao. Binaling ko rin agad ang tingin ko sa harap.
Sorry sa inyong lahat pero... Hindi ko na gugustuhin pang makita ang mga susunod na mangyayari na ikakapahamak ninyo nang dahil sa'kin.
Dahan dahan akong naglakad papalapit sa mga sasakyang dumaraan. Ang lalim ng bawat paghinga ko.
Hindi ko na kaya...
Sukong suko na 'ko...Peeeeeeeeppppp!!
"Jusko! Anong ginagawa nung babae?"
"Magpapakamatay ba siya?"
"Naku pigilan niyo 'yong babae!"
"Pigilan niyo!"
Tumigil ako at ramdam ko ang mga sasakyang dumaraan sa paligid ko.
Napapikit na lang ako nang maramdaman ang papalapit na sasakyan sa gawi ko kasabay nang pagtulo ng luha ko.Sorry...
Gulat ako nang maramdaman ang biglaang paghila at pagyakap sa'kin ng kung sino. Ramdam ko ang bilis nang tibok ng puso niya at ang lalim ng paghinga niya.
Nag-unahang tumulo ang mga luha ko. Wala akong ibang nararamdaman ngayon kundi ang pamilyar na yakap niya.
Hindi ko na napigilang humagulhol. Wala akong pakialam kung nasaan kami o kung sinong nakakakita sa'min. Basta't ang alam ko, gusto kong ibuhos lahat ng emosyon ko. Sobrang nahihirapan ako sa mga nangyayari.
Humigpit ang yakap niya sa'kin.
"Everything's gonna be alright..."
"R-Rain..."
"Wala kang kasalanan...'Wag mong sisihin ang sarili mo. Hindi mo ginustong mangyari ang lahat. Kahit anong mangyari nandito lang ako para sa'yo"
Naramdaman ko ang paghaplos at paghalik niya sa buhok ko.
Sana panaginip na lang lahat ng 'to. Kung sakali man na totoo lahat ng nangyayari sa'kin, siguro nga...
This is the fate of mine...
as a girl.
Facebook Page:
Miss M
BINABASA MO ANG
The Fate of Mine as a Girl
Mystery / Thriller"Hanggang saan ako dadalhin ng kapalaran? Hanggang sa mundo na ako na lang ang natitira? Hanggang sa mundong lahat kayo'y wala na sa buhay ko" ~Twinkle Lee