The Fantasy's Secret
Chapter 4
Naalimpungatan ako dahil sa pagkalam ng tiyan ko. Bago bumaba sa kusina ay chineck ko muna si Mama sa kwarto niya.
Sabi sa'kin nung isang babae na hindi ko nalaman ang pangalan ay dalawang araw daw na mawawalan ng malay si Mama. Binilin niya sa'kin na 'wag ko na daw siyang dalhin sa hospital kasi okay na siya.
Hindi ko alam kung ano ang nagkumbinsi sa'kin na magtiwala sa sinabi niya. Ayoko munang isipin lahat ng nangyari.
Hinalikan ko siya sa noo bago nagtungo sa kusina. Nagtimpla ako ng gatas baka sakaling kumalma ang isip ko. Napatingin ako sa orasan. 12 am palang pala. Sakto.
Napaupo ako at napatitig sa palad ko. Ayokong lokohin at paniwalain pa ang sarili ko na hindi totoo ang mga nakita ko dahil alam kong mababaliw lang ako kakaisip.
Sino ba talaga si Catalina? Ako ba? Hindi ko maintindihan.
Bumilis naman ang tibok ng puso ko nang may kumatok. Sino naman ang pupunta sa bahay sa ganitong oras?
Tatlong sunod sunod na katok ulit ang narinig ko. Nagdadalawang-isip ako kung bubuksan ko. Baka mamaya magnanakaw. Kami lang din naman ni Mama ang nandito.
Patuloy pa din siya sa pagkatok. Humanap ako sa paligid ko na pwedeng gamiting pangself-defense. Nakita ko naman 'yong kawali. Kinuha ko 'to. Napatingin muna ako dito nang ilang segundo bago lakas loob akong nagtungo sa pinto.
Lumakas ang kabog ng dibdib ko at napahawak nang mahigpit sa kawali.
Lord please help me...
Kagat labi at pigil ang hininga habang dahan dahan kong inikot ang doorknob. Inihanda ko ang sarili ko.
Pagkabukas ko ay agad kong tinutok ang kawali sa kaniya. Nakatayo sa harapan ko ang isang lalaki. Kita ko ang seryosong tingin nito sa'kin kahit pa medyo madilim.
"S-Sino ka?"
Pinilit kong 'di ipakita ang kabang nararamdaman ko.
"A-Anong kailangan mo?" dagdag ko nang hindi siya sumagot.
"Bliss..."
Nagsitaasan ang balahibo ko at bumilis ang tibok ng puso ko sa pagbanggit niya sa pangalan ko. Kilala niya 'ko?
"'Di mo na ba ako naaalala?"
Tiningnan ko kabuuan niya. Nakablack pants and V-neck gray shirt siya with a black cap. Marahil ay kasing edad siya ni Mama. Pilit kong inaalala ang mukha niya na seryosong nakatingin sa'kin.
"S-Sorry pero 'di kita kilala"
Ilang segundong katahimikan ang namuo sa pagitan namin bago siya muling nagsalita.
"Bliss Candel... Karen Candel..."
Napabilis ang tibok ng puso ko at gulat na napatingin sa kaniya. Kilala niya rin si Mama?
"Naaalala mo ba ang taong nang-iwan sa'yo noong tatlong taong gulang ka pa lang?"
Napaawang ang bibig ko.
"Naaalala mo ba ang taong pinalaki ka at itinuring kang anak sa loob ng tatlong taon?"
Biglang nanlambot ang braso ko at naibaba ang hawak kong kawali. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko. Nagtitigan lang kami at pilit kong kinukumbinsi ang sarili ko kung totoo ba 'to. Pilit kong binabasa ang mga mata niya kung seryoso ba siya sa sinasabi niya.
"Long time no see... anak"
Napahigpit ang hawak ko sa kawali. 'Di ko alam ang sasabihin ko. 'Di ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Matagal na panahon na. Maraming taon na ang nagdaan. Gusto kong magalit. Gusto ko siyang sumbatan sa pang-iiwan sa'min pero hindi ko magawa. Hindi ko kaya.
BINABASA MO ANG
The Fantasy's Secret
Fantasy"Puso ang aking pinanghahawakan. Puso na magdidikta sa aming kapalaran. Ano nga ba ang pipiliin ko? Ang aking kamatayan o ang kanilang kaligtasan?" ~Bliss Candel