Wild Flower
Nasanay siya sa buhay na nag-iisa at wala ng inaasahan pa. Hanggang sa makapasok siya sa bagong trabaho kung nagkita muli sila ng kanyang kaklase noon at doon magsisimula ang pagbabago sa kanyang buhay.
1
Kring! Kring!
Shet! Ang sarap-sarap matulog pero kailangan talagang gumising ng maaga, first day ko sa bago kong trabaho, nakakahiya naman di ba kung mali-late ako.
Teka, pangilang trabaho ko nga ba ito?
Pang-anim ko na itong trabaho since grumaduate ako three years ago. Ang una kong trabaho, sekretarya sa isang maliit na kumpanya pero dahil sa kamnyakan ng boss ko after two months tsumupi na ako sa kanila. Pero mahirap talagang maghanap ng trabaho kaya kailangan kong magcontractual muna sa isang malaking company sa Ayala at dahil nga sa contractual lang ako after five months wala na naman akong trabaho. Next stop ko naman ay sa munisipyo, ayoko sana ng ginagawa ko ron, pero dahil sabi kasi ni lola magtagal naman daw ako sa trabaho ng isang taon para naman may experience na ako kaya naman after eksaktong one year sa pagtitiis sa munisipyong iyon nagresign agad ako. Sinubukan ko ring magtrabaho sa isang fastfood para maiba naman, nakasawa na rin kasi ang boring ng trabaho sa opisina, saka naisip ko rin non na baka nga sa restaurant ang kapalaran ko. Unfortunately, sa ika tatlong buwan ko sa trabaho aksidente akong nakabasag ng mga pinggan at dumami pa ang ibang pagkakamali ko kaya naman nasisante ako. Siyempre na trauma ako sa mga pangyayari kaya naman tatlong buwan din akong unemployed, ang pinagkaabalahan ko nung mga panahon na yun ay ang magtinda ng bra at panty sa kapitbahay para naman makatulong-tulong kay lola na that time ay umaasa na lang sa pension, akala ko nga noon pagiging entrepreneur ang destiny ko hanggang sa nagka-asthma si lola at kailangan kong kumita ng malaki-laki kaya no choice nagtiis na naman ako sa pagtratrabaho sa isang opisina sa Makati, bumili ng gamot, pambayad ng hospital at sa madami pang bagay pero ganon siguro talaga ang buhay after few months, kinuha rin ni Lord ang lola ko. Nawalan ako ng gana sa pagtratrabaho, sa tingin ko kasi wala ng silbi ang sinusweldo ko dahil wala na akong tinutustusan nagsisimula na rin akong mabored sa ginagawa ko kaya naisipan ko na ring magresign.
Heto ako ngayon after several weeks na bakante buti na lang may mabait pa na kumpanya ang naghire sa akin. Biruin mo nga naman sa kabila ng unemployment sa Pilipinas meron pa ring matinong kumpanya ang nakapansin sa akin.
RMC Insurance isang sikat na insurance firm na pag-aari ng isang kilalang taipan ditto sa Pilipinas. Siyempre kahit kayo din di ba, kahit na wala ka sa mood magtrabaho pero isang magandang kumpanya ang nag-offer sayo sino ang di makakatanggi. Sabi ng HR nascan daw nila uli ang resume ko nung minsang umattend ako ng isang job fair at nakakatuwa naman dahil agad nila akong tinanggap.
Siyanga pala, bago ko makalimutan ako pala si Farrah Garcia a.ka. wildflower, bakit wild flower? Favorite song ng lolo ko yun eh, noong bata pa ako yun ang paborito niyang kantahin sa karaoke, siyempre na iinfluence, kaya lagi ko na ring kinakanta hanggang sa tumanda ako. Napansin niyo ba ang namemention ko lang ay yung tungkol sa lolo at lola ko, kasi naman wala naman akong ichichika sa inyo tungkol sa mga magulang ko, pero sige to give you ideas... ang totoo niyan ever since na ipinanganak ako di ko na sila nakasama, illegitimate chid ako, for further explanation, anak ako sa labas ng tatay ko, may ibang asawa ang tatay ko ng makilala niya ang nanay ko. Ito kasing si mama ko makakita lang ng guwapong mayaman umaalembong na agad regardless kung single o married. Hindi naman niya akalain na magbubunga ang mga kataksilan nila at ako yung bunga. Balak sana akong ipa-abort ni mama kasi nineteen lang siya non kaya lang kumontra ang lola kasi kaiisang anak lang nila si mama at gusto na nilang magka-apo kaya ng ipinanganak na ako ni mama sa mundong ito iniwan niya na ako kina lola at lumipad na siya ng Japan at doon nagpakasaya. Ang papa ko naman, ayun patago akong sinusustentuhan, financially responsible naman siya, dapat lang noh kasi yun lang ang silbi niya sa akin.
BINABASA MO ANG
MISS WILDFOWER
RomanceNasanay siya sa buhay na nag-iisa at wala ng inaasahan pa. Hanggang sa makapasok siya sa bagong trabaho kung nagkita muli sila ng kanyang kaklase noon at doon magsisimula ang pagbabago sa kanyang buhay.