10 PISO

10 0 0
                                    

May isang pamilya na nakatira sa Benguet. Ang babae ay nagngangalang Felicia na buntis at ang lalake naman ay nagngangalang Bugoy, sila ay may anak na isang babae na nagngangalang Rita. Hindi mataas ang naiipon na pera ng mag-asawa dahil sila ay magsasaka lamang. Naisip ni Bugoy kung ano ang mangyayari kung pumunta sila sa Maynila, marami din kasi silang naririnig na gaganda daw ang kanilang buhay doon. Sinabi ni Bugoy kay Felicia ang plano, sila ay nagsumikap na makaipon ng pamasahe papuntang Maynila. Pagkatapos ng isang buwan sila ay umalis na sila sa Benguet at nagpatungo na ng Maynila.

Pagdating sa Maynila ang kanilang puso ay puno ng kaba, hindi nila malaman kung saan magsisimula at kung saan magpaparoon. Sa liit na halaga ng pera na dala nila na nagkakahalaga ng 50 pesos at isang 10 piso na napulot ni Rita sa sinakyan nila na jeep. Sinabi ni Rita noong napulot ang 10 piso na pag tumanda na siya, siya ay magiging doktora at papagalingin ang kanyang ama at ina kapag sila ay tumanda na, at paparamihin pa niya ang mga 10 pisong nakukuha. Natuwa naman ang mag-asawa at sinabing ito daw ay dapat ipangako ni Rita sa kanila. Unang naisip ni Bugoy na gawin ay maghanap trabaho at tirahan. Pumunta sila sa isang estasyon na may bulletin board na may mga nakapaskil na mga placard na naglalahad ng mga trabahong pupwedeng kuhanin ng kahit sino. Isa sa mga trabahong nakita ni Bugoy ay ang pagbubuhat ng mga kagamitan para sa isang pabrika na malapit lang sa estasyon. Kinuha ni Bugoy ang placard at pumunta sa pabrikang iyon. Naiwan naman ang mag-ina na sila Felicia at Rita dahil maghahanap naman sila ng patitirhan. May lumapit sa kanila na isang matanda na nagpaparenta umano ng isang kwarto upang tirhan. Sumama naman sila Felicia upang makita nila ang kwartong tinutukoy ng matanda. Dumating na sila sa kwarto at sila ay sumangayon na ito ay rentahan nila. Ang matanda naman ay humingi kaagad ng bayad, wala namang maibigay si Felicia dahil 50 pesos nga lang ang kanilang dala. Pinagpilitan ng matanda na ibigay nalang ang natitirang pera nila at isusunod nalang nila ang buong bayad. Binigay na ni Felicia ang lahat dahil iba na ang tono ng pagsasalita ng matanda. Bumalik si Felicia sa estasyon upang madatnan si Bugoy para sabihin ang magandang balita. Naiwan si Rita dahil makikipaglaro lang daw siya sa nakitang pusang palaboy.

Sa kabilang dako, nakarating na si Bugoy sa pabrika na pagtrtrabahuhan niya. Nakausap ni Bugoy ang manager ng pabrika at tinanong niya si Bugoy kung ito ba daw ay nakakapagbuhat ng mga mabibigat na mga kagamitan. Sumangayon si Bugoy ng napakabilis dahil siya ay isang magsasaka sa Benguet at batak na ang kaniyang katawan sa mga ganyang klase ng trabaho. Natanggap siya ka-agad sa trabaho at siya ay nasiyahan. Kumaripas siya ng takbo papuntang estasyon at sinabihan niya si Felicia na may nakuha na siyang trabaho. Pumunta sila sa kwartong inupahan at nawawala ang kanilang anak. Bumigat ang dibdib ni Bugoy at ni Felicia, lumabas sila ng kwarto at nagtanong tanong sa mga taong nasa paligid. Nakita nila na may mga taong nakapalibot sa kalsada na parang may nangyaring masama. Napatanong sila kung ano ang nangyari at sinabi na mayroon daw batang babae na nabangga dahil may hinabol na pusa habang tumatawid ng kalsada. Nanghina ang kanilang mga tuhod at lalong kinabahan. Sumingit sila para makita kung sino ang batang iyon. Napaluha nalang sila bigla dahil sa nakita, ang kanilang pinaka-mamahal na si Rita ang batang babaeng tinutukoy na nabangga. Napaluhod si Felicia at napasigaw, si Bugoy naman ay napatulala na para bang nabaliw.

Makalipas ng dalawang araw hindi sila makagalaw, walang ibang iniisip kundi ang kanilang anak. Walang magawa kundi umiyak at manlumo sa nangyari. Natandaan nila ang binigkas ng kanilang anak sa kanila na siya raw ay magiging doktora. Lalong nanlumo ang dalawa at hindi mapigilan ni Bugoy ang galit at ito ay nagsira ng gamit at nakapulot ng kutsilyo. Pagkahawak ng kutsilyo ito ay tinapat niya sa kaniyang pulso, sinabi niya na hindi na niya kaya. Pinigilan ito ni Felicia at sinabi na hindi ito magugustuhan ni Rita na mangyari sa kanila. Binitawan ni Bugoy ang kutsilyo habang basang-basa ang mga mata. Niyakap ni Felicia si Bugoy at sinabing magpahinga na sila dahil may trabaho pa si Bugoy kinabukasan sa pabrika. Nanaginip si Bugoy at nakita niya si Rita, nagusap silang dalawa at sabi ni Rita na "Ama, mabuhay parin kayo ni Ina." Nagising si Bugoy at sinabi ang panaginip kay Felicia.

Makaraan ng ilang taon ay sila ay yumaman, naging manager na si Bugoy sa pinagtrtrabahuhan na pabrika dahil sa pagpupursigi. At sila ay nagkaroon ng dalawa pang anak na malusog ang mga kalagayan. Laging ikinukwento nila Felicia sa kanilang mga anak ang kanilang panganay, kung paano ito nagbigay inspirasyon at pag-asa na magpursigi na tuluyan pang mabuhay sa mundong ginagalawan. Hanggang ngayon ay tinatago parin nila ang 10 piso na napulot ng kanilang panganay at ito ay nagsisilbing paalala sa kanilang pinakamamahal na anak na si Rita.

10 PisoWhere stories live. Discover now