Chapter 36

4.6K 47 2
                                    

"Ma, Pa, ano po ito?" tanong ng noo'y college student na si Vera nang makita na naka-empake na ang mga gamit niya sa maleta

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ma, Pa, ano po ito?" tanong ng noo'y college student na si Vera nang makita na naka-empake na ang mga gamit niya sa maleta.

Kauuwi lang niya galing sa university at suot-suot pa niya ang kanyang uniporme.

"Bakit ang dami pong naka-empakeng mga gamit natin?"

Sumagot ang kanyang ama, "Ah, eh, magbabakasyon tayo, anak."

"Magbabakasyon? Saan po? May pasok pa po ako bukas, hindi ako puwedeng umabsent."

"Hindi naman tayo magtatagal anak, e. Ngayon lang kasi nagkaroon ng chance ang Papa mo na magkaroon ng matagal na leave sa trabaho. Kaya heto, sinasamantala na namin ang pagkakataon na makapagbonding tayo." nakangiting sagot ng kanyang ina. "Kami na ang bahalang mag-explain sa professor mo pagkabalik natin."

"Gano'n po ba?"

"Oo, anak."

"Pero saan po ba tayo magbabakasyon at ilang araw po tayong mananatili roon?"

"Mamaya na lang namin sasabihin sa 'yo, anak. Ang mabuti pa'y iakyat mo na muna ang mga gamit mo sa sasakyan nang madali na tayo."

"Sige po, Papa."

May kakaiba siyang napansin sa kanyang mga magulang nang sandaling iyon. Para bang may itinatago sila na hindi nila masabi-sabi sa kanya. Nahalata niya iyon sa kilos at pananalita nila.

Ngunit inisip na lang niya na baka gusto lamang nilang bumawi. Matagal-tagal na kasi nang huli silang makapagbonding dahil sa busy ang kanyang parents sa kani-kanilang mga trabaho.

Makalipas ang ilang minuto ay bumiyahe na sila.

Ang ama niya ang nagmamaneho, habang magkatabi naman sila ng kanyang ina sa backseat. Wala pa ring sinasabi sa kanya ang mga ito tungkol sa kanilang pupuntahan, kaya naman nagtanong muli siya.

"Saan po ba talaga tayo magbabakasyon, Mama at Papa? Kanina pa po akong nagtatanong sa inyo, pero hindi nyo pa rin ako sinasagot."

Nagkatinginan muna ang mag-asawa sa rear-view mirror ng sasakyan bago sagutin ang anak.

"Basta, anak. D-doon sa mga pinsan natin... mga second cousin mo," sagot ng kanyang ama.

Nagtaka si Vera. "Teka, bakit ngayon ko lang po yata nalaman na may mga kamaganak pala tayo rito sa Pilipinas? Simula po kasi pagkabata ko ay wala naman kayong nabanggit sa 'kin na may mga kamag-anak tayo rito. Ang sabi nyo pa ho sa 'kin, nasa ibang bansa na silang lahat at wala na kayong contact sa kanila, pati na rin po ang mga kamaganak ni Mama."

Then suddenly, umiyak na lamang ang kanyang ina. "J-jaime, ang mabuti pa siguro ay sabihin na natin kay Vera ang totoo. Huwag na tayong magpaliguy-ligoy pa."

"Merlinda..."

"Ano pong kailangan nyong sabihin? Bakit po kayo umiiyak?" Humarap siya sa kanyang ama. "Papa, ano po iyon?"

Sinful Heaven [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon