TLR | 02

109 8 0
                                    

~Nathaniel Blythe Lai~

"Pre! Yung totoo?! Sa dami-daming pwedeng maflat sasakyan pa natin!" inis kong sinabi

"Wala ka na bang extra na gulong?!" sigaw ko

"Kung maghanap ka na ng tulong eh noh? Hindi yung magrereklamo ka pa" sambit niya habang inaalis yung gulong

Sa sobrang inis ko naghanap na ako ng taong pwedeng tumulong samin sa paglalakad ko ay may nakita akong dalawang lalake na parang may kagaguhang ginagawa agad akong lumapit.

"Bitawan niyo siya!" sigaw ko

Napalingon silang dalawa sakin ng mamukhaan ko yung babae.

"Sino ka para makialam dito?!" inis na sinabi nung isang lalake na hahawakan yung nakakainis na babae

"Kung alam ko lang na itong babaeng ito ang mapapahamak hindi na ako makikialam eh" bulong ko

"May sinasabi ka ba huh?!" sigaw niya

"I guess it can't be helped... Tapusin ko na ito" sambit ko

Sabay nilapitan ko na sila hinawakan ko yung isang lalake na kanina pa sumisigaw nakakabingi kasi patulugin ko na ito. Agad ko siyang hinawakan sa kwelyo at lumutang siya sa hawak ko.

"Teka! Ibaba mo ako!" sigaw niya habang nagpupumiglas

"Ikaw pandak ka... Ang yabang-yabang mo eh kalahati ka lang ng height ko" sambit ko sabay inikot-ikot ko siya sabay bitaw lumiad siya hanggang sa napatama siya sa basurahan knock out agad.

Napatingin ako sa isa pa na hawak-hawak yung babaeng yun patakas na sana nang bigla ko siyang hawakan sa kwelyo sabay napabitaw siya doon sa babae.

"Please.... Hindi na mauulit! Bitawan mo na ako huhuhu" pagmamakaawa niya

"Okay sige... But under one condition" sambit ko

"Ano yun?" tanong niya

"Itulak mo sasakyan namin hanggang sa bahay" sambit ko

"H-uh?" nauutal niyang sinabi

"Oh bakit? Aangal ka pa ba?" sambit ko

"Ahh! Hindi-hindi haha!" sambit niya sabay binitawan ko na siya

"Tara na" sambit ko

Nang may marinig akong umuubo napalingon ako at napatingin sa ibaba nang makita ko yung babae na medyo namumutla.

Nilapitan ko siya sabay ibinigay ko yung tubigan ko.

"Oh" sambit ko sabay abot sa kanya habang hindi nakatingin sa kanya

"Sa-salamat" mahina niyang sinabi sabay tinanggap niya ang binigay ko at ininom ito

Nang mapansin kong may paltos ang paa niya at hawak-hawak niya ang sandals niya napatingin ako sa paligid medyo madilim na.

"Hoy" napatingin ako sa lalakeng nasa likuran ko

"Ba-bakit po?" nauutal niyang sinabi

"Hawakan mo ito" sambit ko sabay kinuha ko yung sandals nung babae

Agad naman niya itong hinawakan...

"Ikaw... Pumasan ka na sakin dadalhin na kita kay Chester" sambit ko

"H-hindi na... Nakakahiya..." sambit niya

"Alangan naman iwan kita dito... Delikado na... Babae ka pa naman" sambit ko

"Ayos lang ako... Kaya ko na sarili ko" sambit niya

Tigas ng ulo ng isang ito eh... Kaya mo na sarili mo? Ows talaga muntik ka na ngang marape ng di oras.

The Last RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon