Justine's POV:
Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko ang isang pamilya na lugar sa akin.
Kwarto..
Kwartong dati kong tinutulugan..
Teka!
Ito ang kwarto namin ni Kenzo dati ah!
Lumakas ang tibok nang puso ko nang tuluyan ko nang na-realize kung nasaan ako. Nag tangka akong bumangon sa kamang kasalukuyan kong hinihigaan nang biglang may malakas na brasong yumakap sa bewang ko.
Si..
Kenzo!
"Masakit ulo mo?" Tanong nang lalaking nakayakap sa akin.
"Uhmmm.. Hi.. hindi.." Sagot ko.
"Buti naman.. Nga pala.. May malamig na tubig diyan sa bedside table.. Alam ko kasing mauuhaw ka pag gising mo.." Ika niya.
Tumango ako at dahan-dahang bumangon sa kama sabay tanggal nang kamay ni Kenzo sa bewang ko.
"Sige.. Labas na ako.." Ika ko kay Kenzo pagkatapos kong uminom.
"Sige.. Pero bago ka lumabas kumuha ka muna nang jogging pants or boxers diyan sa closet ko.. Wala ka kasing salawal.." Ika niya.
Oo nga pala..
Naka bikini lang ako kagabi..
Pero may t shirt na ako..
At mukhang t shirt pa yata ni Kenzo 'tong suot ko..
"Da.. damit mo 'tong suot ko?" Tanong ko.
Tumango siya.
"Yeah.. Nakailang palit ako nang damit sayo kagabi.. Basa kasi 'yang bikini mo kaya nababasa din ang bawat t shirt na ipapasuot ko sayo.. Buti nalang after nine t shirts natuyo na 'yang swimsuit mo." Sagot niya.
"Sa.. salamat.." Sagot ko.
Tumango siya.
"Don't mention it.. And by the way.. Ang gaganda nang tattoo mo.." Sagot niya.
Oh no!
Nakita na niya lahat nang tattoo ko?
Okay lang 'yan..
Hindi naman niya alam ang ibig sabihin nang alibatang nakasulat sa balakang ko eh..
"Salamat.." Sagot ko.
He smiled.
"Iyong nasa balakang mo.. anong ibig sabihin nun?" Tanong niya.
Tinignan ko siya.
"Uhmmm.. Kwan 'yun.. Uhmmm.. Pangalan ko.." Sagot ko.
Tumango-tango si Kenzo.
"Ah.. Pangalan mo pala 'yon? Akala ko ibig sabihin nun MAHAL KITA KENZO?" Tanong niya.
Biglang nanlaki ang mga mata ko nang narinig ko ang sinabi nIiya.
Paano niya nalaman?!
I faked a smile.
"What? Saan mo naman nakuha 'yang idea na 'yan?" Tanong ko.
Tumaas ang mga makakapal niyang kilay.
"Sayo.. Sayo ko mismo nakuha ang idea.. Ikaw kaya mismo ang nag sabi sa amin nang ibig sabihin nang mga tattoo mo.." Sagot niya.
Dahil sa sobrang hiya hindi ko na sinagot si Kenzo at agad na kumuha nang boxer shorts sa closet niya. I putted it on at agad na tumakbo palabas nang kwarto niya.
BINABASA MO ANG
SECOND CHANCE | #WATTYS2019 (COMPLETED)
RomanceAng taong mahal niya? O ang isang opostunidad na minsan lang kung dumating? PANGARAP o PAG-IBIG?