Monday. November 21.
Ashleen's POV
Kailangan ko harapin ang araw na to. Umiiyak ako sa harap ng salamin. Mas masakit ata yung ngayon. Lahat ata nawala saken. Si Mark, Si Xander, Si Grace... Si Shaley, hindi na rin muna ko kinakausap. Nagpapalamig silang lahat ng ulo nila. Dapat hindi ko nalang talaga ginawa yung ginawa ko kahapon. Aishh. Daig ko pa namatayan nito eh ._. Nag ayos na ko. Naka uniform na ko eh. Pero hindi pa rin ako makaalis. Maglalakad ule ako mag isa. Lagi ko kasing kasabay si Mark. Tinignan ko rin yung phone ko pero wala siyang text. Makikipag ayos ako. Palagi ko nalang nilulunok pride ko. Sila? Silang nagturo saken kung pano lumunok ng pride, kailan nila lulunukin yung kanila?
-----------
Breaktime.
Ash: Ahh.. Mark.. Pwede ba tayo mag usap?
Nag aayos siya ng laman ng bag niya at ang tagal niya bago lumingon. Pero lumingon naman siya, nakangiti naman.
Mark: A.. Ash? Oh? Musta ka na? Hello?
Parang hindi mapakali si Mark. Naiilang ba siya? Pero hindi na siya galit?
Ash: E .. hindi ka na ba galit?
Ngumiti siya.
Mark: Ayos lang ako. Kahit makipagkita kapa sakanya kahit kailan mo gusto.
Tapos biglang kumatok si Shaley sa room namin.
Shaley: Tsebs! Tara?
Sinong tsebs ako ba?!
Mark: Uyy! Tsebs. Treat ko ngayon db?!
Shaley: Hindi, Ako na! :)
Mark: Hahahaha! Hindi, ako muna unang mag treat ha?
Shaley: Sige sige tara.
Sinara na ni Mark yung bag niya tapos tumingin siya saken. Nakaharang kasi ako sa dadaanan niya palabas.
Mark: Ahh? Ahh. excuse me lang. Kakain lang kami.
Napatango lang ako. Ganto ba talaga sila mag parusa? Akala ko okay na kami ni Shaley. Pero parang pinagbabayad nila ako. Sa bagay na TAMA lang ang ginawa ko. Alam naman ni Shaley yun, ikuwento kaya niya kay Mark? Para.. hndi na magalit saken si Mark. Tsaka.. Anong tsebs? May tawagan na rin sila? Tapos yung ginagawa namin ni Mark na sabay kumain everytime, ginagawa na rin nila? Wag niyong sabihing.. Best Friends na rin sila. Nakaramdam din ako ng selos. Pero ganun na ba talaga sila ka-close? AGAD-AGAD?
----------
Mark's POV
Nag aayos ako ng gamit ko sa bag. Nang may bigla akong narinig na tinig.
"Mark. Pede ba tayong mag usap?''
Alam kong si Ashleen yun. Hindi ko alam kung pano ako magpapanggap nito. Hindi ko alam. Kaya medyo napatagal ako bago lumingon.
Mark: Ah.. Ashleen? Oh, musta ka na? Hello?
Pautal utal kong nasabe yan. Nginitian ko pa siya kahit mabigat sa kalooban.
Tinanong nya ko kung hindi na daw ba ko galit at sinabe kong hindi na. Kahit masama pa rin ang loob ko. Pinahintulutan ko na rin siyang makipagkita kay Xander kahit kailan niya gusto. Anytime. Anywhere, pero wag lang sa lugar namin ni Ashleen. Sa may plaza.
Dumating na si Shaley. Siya yung kinausap ko kagabe sa phone imbes na si Ashleen. Mas kailngan ni Shaley ng kaibigan ngayun. Nandyan naman si Grace para kay Ashleen eh.
Tsebs ang tawagan namin at hindi ko alam kung bakit ako pumayag na magkaroon kami ng tawagan pero mahirap din lahat ng pagpapanggap ko na OKAY AKO at balewala lang saken ang lahat. Hindi ganun kadali.
BINABASA MO ANG
Sa Isang Sulyap Mo
Teen FictionLove at first sight. Falling for a friend. Break ups. Letting go. Moving On. Hanggang saan ang kaya mo para sa taong mahal mo?