La-la-la-la-la-la..
Ang awit ay paulit-ulit ..
Tila nananawagan .. Tila nang-aakit ..
Dumungaw sa bintana si Mari.Napangiti siya nang makita ang isang grupo ng mga batang naglalaro sa ilalim ng liwanag ng buwan.
Kumabog ang kanyang dibdib sa tuwa.Nagmamadali siyang bumaba ng hagdan.
Sandali pa,patakbo niyang tinungo ang grupo ng mga batang magkakapit-kamay at paikot na nagsasayaw sa hugis ng bilog na nagawa ng mga ito.
Pumaloob si Mari sa bilog.
La-la-la-la-la-la..
****
" Mari ! Huhuhu ! Anak ! "
Sumisigaw na tumatangis si Aling Lerma,ang ina ni Mari.
Hindi matanggap ng babae ng makita si Mari na isa ng malamig na bangkay.
Yakap ang katawan ng anak ay ayaw itong bitiwan ng babae.Iyak ng iyak at parang masisiraan ng ulo si Aling Lerma sa pagkamatay ng kanyang kaisa-isang anak.
Inimbestigahan ng awtoridad kung paano namatay ang bata pero walang makapagsabi o makapagbigay ng kahit na anong lead kung ano ang ikinamatay ng bata.
Ang tanging natandaan ng yaya ng bata ay tulog na ito ng iwan sa loob ng silid.
****
Kabilugan muli ng buwan.Malamlam ang sinag nito.Nang-aakit ang liwanag.
Sa isang barangay hindi kalayuan sa tinitirhan nina Aling Lerma ay malungkot na nakadungaw sa bintana si Sheena.Gustong-gusto niyang lumabas at makipaglaro sa mga kaibigan.
"O,bakit hindi ka pa natutulog?" Tanong ng ina ni Sheena.
Lumingon siya sa kanyang ina.Nakatayo sa may pinto si Aling Trina.Halatang galit ito.
"M-matutulog na po" sagot ni Sheena sa na-uutal na tono.
"Sige,mahiga ka na! Tingnan mo ang ate at kuya mo,tulog na! Ikaw itong maliit,ikaw pa ang nagpupuyat"
Yuko ang ulong tinungo ni Sheena ang ang higaan sa tabi ng mga kapatid.Tumabi siya sa pagitan ng dalawa at nagtalukbong ng kumot.
Lalo siyang naaawa sa sarili.Minsan lang kung magpaalam siya para maglaro pero ayaw pa siyang payagan.
Sana iba nalang ang nanay niya.Hindi sana iyon si Aling Trina na mahigpit at masungit.
Lumilipas ang oras ay nanatiling gising si Sheena.Nakikiramdam.
Napabalikwas siya ng may narinig.
La-la-la-la-la-la..
Kumakalabog ang dibdib na bumangon siya sa higaan.
Walang ingay na tinungo niya ang bintana at marahan iyong binuksan.Naaaninag niya ang isang grupo ng mga batang sumasayaw.Nakadamit ng puti ang mga ito.
Umiikot ang mga bata sa pabilog na hugis.Magkahawak ang mga kamay.
Malamlam ang sinag ng buwan kaya hindi niya maaninag kung sinu-sino ang mga batang iyon.
Naganyak siyang manood sa pag-aawit at pagsasayaw ng mga bata.Natigilan siya ng biglang tumigil ang mga bata at tumingin sa kinaroroonan niya.
Kinawayan siya ng mga ito.Inaaya siyang maglaro.
Kinabahan si Sheena.
Nilingon niya ang kanyang dalawang kapatid.Himbing na himbing sa pagtulog ang mga ito.
Muli siyang tumingin sa mga bata.Nakatingin pa rin ito sa kanya.Walang tigil sa pagkaway.
Nagpasya si Sheena.Makikipaglaro siya.
Marahan niyang tinungo ang pinto ng kanyang silid at binuksan iyon.
Marahan siyang bumaba.Siniguro niyang hindi siya makakalikha ng ingay.
Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto ng bahay.
Sa pagkagulat niya ay nasa harap na niya ang mga bata.
"Tayo na" sabi ng isang bata sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay.
Malamig ang kamay nito.Kinilabutan si Sheena.
Pero hindi na siya nakatanggi ng inaya siya ng mga bata.
La-la-la-la-la..
Nalimutan ni Sheena ang lungkot at takot.
Masaya siyang nakipaglaro sa mga batang ngayon lang niya nakita.Lumipas ang mga oras peri hindi niya pansin.
****
Kinabukasan..
Isang nakabulagtang Sheena ang natagpuan ni Aling Trina sa damuhan sa kanilang bakuran.
Patay na ang bata.
Ang sabi ng doktor na tumingin dito ay nasa pagitan ng hatinggabi at madaling araw ito namatay.
Hindi rin masabi ng doktor kung ano ang ikinamatay nito.
Marami pa ang sumunod kina Mari at Sheena,na tumugon din sa Sayaw ng kamatayan..
BINABASA MO ANG
Can I Tell You A Horror Story ?
HorrorThis is a collection of TAGALOG horror stories ... Again , this horror collection is in TAGALOG .. Warning : Don't look at your back when reading this ..