Chapter 1

1.4K 31 8
                                    

Chapter 1: St. Michael Academy

(Mayumi's POV)

"Mayumi, wag mong kalimutan ang lahat ng requirments ah." paalala sa akin ni Mama.

Tumango naman ako.

"Wag ka pong mag aalala mama, kagabi ko pa po iyon inilagay sa bag." sagot ko saka kinagat ang hotdog.

Ako nga pala si Mayumi Faye Gomez isang 17 year-old college student sa Hearst High University. Half-korean, half-pilipino. Hindi ko masasabi na maganda ako. Sabihin nalang natin na tamang tama lang ang ganda. Matalino. Mabait. Oppurtunista. Palaban. Matangos ang ilong at medyo singkit ang mata. Maputi at makinis ang kutis.  

Dahil napasa ko ang entrance exam sa St. Michael Academy, binigyan ako ng scholarship doon. Ang Saint Michael Academy ay isang school para sa mga mayayaman. Gusto kasi ni Papa na dun ako mag-aral kaya sinorpresa ko sila at napasa ang entrance exam, I'll be a second year college, taking up business add major in marketing.

Matapos kong kumain ng agahan, kinuha ko na ang bag ko at lumabas na. 

Hindi naman kami mayaman. May kaya lang sa buhay. 

Lumakad lang ako papunta sa academy, since kailangan ko rin mag-excercise. May bike naman ako kaso inaayos pa. Nabutasan kasi ang isang gulong, kaya no choice ako kundi lumakad.

Matapos ang paglalakad siguro mga 15 minutes lang ang walking time. Nakarating na rin ako. 

From the looks of it, pang mayaman ang Academy. Sa entrance palang may makikitang mga mamahaling sasakyan na drinadrop out ang mga istudyante. May makikita kang parking space para sa kotse at isang waiting shade sa labas. Hindi na ako nag-aksaya ng panahon at pumasok na. 

Kailangan ko pang pumunta sa Dean's office, problema ay hindi ko alam asan ito. 

Sinubukan kong mag tanong tanong ngunit hindi nila ako pinapansin. May nakita akong lalaking mag-isa. Lumapit ako sa kanya at nagtanong. 

"Excuse me, pwede mag tanong? Asan ba ang Dean's office?" tanong ko sa kanya. 

Hindi siya sumagot at ngumisi na lang. Nanahimik siya ng sandali at ngumiti. Saka naman niya tinuro ang kabilang building. 

"Diba highschool building yun?" tanong ko. 

"Alam mo ang dami mong tanong, kung ayaw mo edi wag!" muni niya at umalis na. 

"Psh. Sungit." bulong ko at pumunta na sa gusaling itinuro niya. 

Nang nasa ika-isang palapag na ako ng highschool building, hinanap hanap ko ang Deans building. Matapos ang sampung minuto hindi ko parin ito nakita, kaya nag tanong ako sa istudyante doon. 

"Excuse me, asan ba ang dean's office?" tanong ko.

"Ate, doon po sa college building." sagot niya at tinuro ang college building kung asan ako galing. 

Anak ng teteng! Sabi niya dito? Siguro, new student rin siya. Nako naman! Malelate na ako nito! Nagpasalamat ako sa kanya at umalis na. 15 minutes na lang at magbebell na. First day na first day late ako! 

Nang nasa college building ulit ako, may nabanga akong janitor. 

"Kuya asan po ba ang dean's office?" tanong ko. 

"Ah, iha nakita mo ba ang gusaling iyon? Pumunta ka doon at makikita mo ang dean's office." sagot ni Kuya Janitor. 

"Salamat po." pasalamat ko at pumunta na sa gusaling itinuro. 

Hindi naman ito mashadong malayo sa college building. Ngunit kailangan kong mag-madali dahil ilang minuto na lang ang tutunog na ang bell. 

Nang nakita ko na ang Dean's Office. Kumatok ako at saka pumasok. Binati naman ako ng principal at may ibinigay sa kanya na papel. 

My Girl For SaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon