Siya si Lenard, 16 years old at nag-aaral sa isang pribado at unibersidad na paaralan, hilig niya
ang basketball, kaya naman gingawa niya ang lahat ng paraan para makatungtong sa pangarap na
maging professional na basketbolista. 3rd year HS siya ngayon at masasabi kong isa sa mga priority niya ay
ang paglalaro ng basketball, kasi naman parte siya ng varsity team ng eskwelahan. as part ng pagiging
varisty damang-dama niya ang pagiging sikat sa eskwelahan. Kakapasok pa lang ni Lenard eskwelahan ng siya'y
tawagin ng kanyang kabigan at Team Captain na si Paul, "Hoy Lenard, tara dito sa grupo nmen, dito ka pumwesto", agad naman siyang lumapit bilang
simbolo ng respeto kasi siyempre lider niyo siya sa inyo basketbal team kaya kailangang sumunod. 6 silang magkakasama sa tinatambayan nila na kinabibilangan nila (Paul, Anton, Dan, Franc , Ranz at si Lenard )
ang ayaw lang ni lenard kasi kapag sumasama siya sa grupo ay yung pagiging mayabang ng mga player pang-asar dito, pang-asar doon. bully dian bully doon, kaya minsan ayaw sumama netong si lenard sa mga ka-grupo niya.
habang kumakaen sila sa kanilang tinatambayan, ay biglang dumaan si Ricky, isang weirdong estyudante sa kanilang paaralan. Isang Mataba, botchog matangkad pero hindi lumalaban in short isa siyang nerd.
Biglang sigaw si Anton isang ka-team ko na sa liit niya ay pinaka-bully sa aming magkakaibigan "RICKY! Halika ka nga dito, Mukhang masarap yang kinakaen mo ah?"
Napatigil si Ricky at mukhang takot na takot na nanginginig sa lakas ng sigaw na pinakawalan ni Anton sa kanya.
Anton: "Pahingi nga niyang burger na kinakain mo". Sabay abot naman si Ricky ng kanyang kinkaeng burger kay Anton na akala niya ay makiki-kagat lamang ito.
Napasigaw na naman si Anton "Hoy, Ricky! ano pa gingawa mo dito? Umalis ka na!"
Ricky: "Akala ko makiki-kagat ka lang, sabay simangot". Umalis na lang si Ricky na nakatingin sa lupa at lugmok na lugmok ang itsura.
Napilitan sundan ito ni Lenard, "Alis muna ako Paul"
Paul: "Saan ka pupunta naman, mamaya pa naman ang klase natin ah."
Lenard: "May kukunin lang ako sa room ko" , Sabay payag naman si Paul, at sinabi na lang na bilisan niya at bumalik lang din siya agad.
Nang nasundan na ni Lenard si Ricky na papaliko na ito sa papasok ng room, agad niya eto tinapik at sabing "Eto, P25 bayad dun sa kinuhang pagkain sayo ni Anton, Pasensya ka na ha."
Napangiti naman si Ricky at nagpasalamat ito ng pabulong na tila nahihiya sa nangyari.
Sabay alis naman itong si Lenard at balik sa kanilang tinatambayan.
(Makaraan ang ilang minuto ay nag-ring na ang kanilang bell, na hudyat na magsisimula na ang kanilang klase)
Ayan nagsimula na ang normal na buhay ng mga estyudante at ito ay ang mag-aral, nawawala ang pagiging athelete dito ni Lenard, dahil di nman kailangan dito ang pagiging malakas niya ngunit
kailangan ang konsentrasyon niya at sipag sa pag-aaral, scholar man siya dahil sa pagiging parte niya ng varsity, hindi pa din nawawala sa kanya ang pagiging masipag at matiyaga niya sa pagaaral.
(Paano ba naman, laki itong si Lenard sa hirap at naging puhunan niya lang ang paglalaro ng basketball, kaya ito nakatungtong ng pagaaral, kaya naman ginagamit niya ang paglalaro niya ng basketball sa mabuting paraan, at sa kanyang hinaharap na makakapag-ahon sa kanilang pamilya sa hirap.)
Oh nga pala tatay na lamang ni Lenard ang kanyang kasama, namatay kasi ang kanyang inay nung siya ay sanggol pa lamang, namatay ito sa pagkapanganak niya pa. Kaya walang inay na gumabay sa kanya at ang kanyang itay na magsasaka lamang sa probinsya ang kanyang pamilya.
(5pm na at ibig sabihin na nito ay uwian na para sa mga estyudante)
Tapos na ang nakakapagod na araw ng mga estyudante na tila lahat ay gusto na magsi-tulog, isa na rito ay si Lenard, na hapong hapo na at tila ay gutom na gusto na din magpahinga,
Uuwi na siya sa kanyang tinutuluyan na dorm na kalapit lamang ng kanyang eskwelahan ng bigla siyang tawagin naman nila Dan at Ranz ang mga ka-team niyang "GAMER" Adik na sa (DOTA,LOL,NBA2K14,CROSSFIRE,SPECIALFORCE atbp)
Dan & Ranz : "Lenard, sama ka sa amin laro tayo ng computer games" , si Lenard naman na walang kahilig hilig sa computer games ay napangisi lang at ang mukha ay nagbahid ng kawalan ng gana.
Dan & Ranz : "Bakit wala kang sagot?, kung ayaw mo. E di wag!" si Lenard naman sa angking kabaitan at ayaw ng kaaway, ay napasagot na sige na sasama na ako. pero sa loob-looban niya talaga ay ayaw niyang sumama rito dahil magaaksaya lamang siya ng pera.
(7pm Humigit kumulang na 2 oras silang naglaro nila Lenard , Dan at Ranz )
Umuwi na si Lenard sa kanyang dorm at nagpatuloy na itong nagpahinga. (solo lamang ni Lenard ang kwarto niya sa dorm, ngunit maliit lamang ito)
Nagpahinga agad siya pagktapos kumaen, dahil maaga na naman siyang papasok kinabukasan.
**********
PS:
(Unang own story ko, give me feedbacks for future update) Thanks.
BINABASA MO ANG
B.O.L.A (Basketball Over Lenard Ambition)
AdventurePakiramdam , Edukasyon , Talento , Pagtitiyaga , Responsibilidad , Pag-ibig , Inspiration