"Aileen" tawag ko sa kanya
"Hhmm?"
"A-ahh masaya ka ba?" Kabadong tanong ko habang nakatingala kaming pareho sa langit nang nakaupo
"Saan?" Tanong niya ng hindi lumilingon sakin.
Nilingon ko naman siya at ngumiti
Ang ganda talaga niya, simula sa haba ng pilikmata hanggang sa liit ay nipis ng labi niya... napakagandang babae...ako na siguro ang pinaka swerteng lalaki--
"Ahh dexter... kung bibigyan ka na lang ng labinlimang minuto para mabuhay.. anong gagawin mo sa natitirang minuto?"
Napakunot naman ang noo ko sa tanong niya
"Magdadasal?" Patanong na sagot ko sakanya.. hindi ba siya nangangalay?
"Hmm..."
"Ba't mo natanong?"
"Wala lang..." nakangiting sagot niya bagaman hindi siya nakaharap sakin ay kita ko ang pagkurba ng mga labi niya
"Ikaw? Anong gagawin mo?" Tanong ko at nakatitig na hinihintay ang sagot niya.
"Hhmm... kung ngayon yun? Ipagpapatuloy ko pa rin ang ginagawa ko..." inosenteng sagot niya
Agad namang napasalubong ang kilay ko sa pagtataka
"...wala akong ibang gagawin kung hindi ang umupo dito... katabi mo habang nakatingala sa langit" dugtong pa niya
Tumingala na lang ulit ako dahil di ko makuha ang ibig niyang sabihin.
"Hindi ka magdadasal?" Tanong ko
Naramdaman ko naman ang pagtingi niya sa akin
"Naniniwala kasi ako na kung handa kana... handa ka na talaga..'yung di mo na kailangang matakot..." saglit syang tumigil
Napatingin naman ako sa kanya....ngumiti sya sa akin
"... at masaya nako...kuntento nako" dagdag niya pa
Napamangha naman ako sa sagot niya...nginitian ko siya
"Hahaha dex.. nasagot ko na tanong mo ah?!"
Kumunot ang noo ko hanggang sa maintindihan ko ang sinabi niya
"Edi masaya ka ngayong katabi moko?" Ngiting tanong ko
"Hhmm--"
*kriiingggkringg*
Babaeng simple...matangos yung ilong...may kalakihan ang mata pero bumagay naman... mahahaba na pilikmata....maninipis at mapulang labi...yan si aileen...napakaswerte ko talaga--
"Ahh dex. Alis na ako.. andyan na si mark eh! Salamat! Next time ulit!" Paalam nya at umalis na.
Huling labinlimang minutos ko na naging masaya... di ako nagdasal...pinagpatuloy ko ang maging katabi ka... pero bat ganon? Pakiramdam ko hindi ako handa... hindi pa ako handa sa pag-alis mo...
Pero ako ang pinakaswerteng lalaki..m napakaswerte ko dahil kaibigan ko ang isang tulad mo...