Ang mga babae. (Facts)

508 2 0
  • Dedicated kay Beybibearr
                                    

Helloo! Ginawa ko po 'tong story na 'to para sa mga boys na maraming gustong malaman about sa girls or Girlfriend nila. 17 Facts lang po 'to dahil hindi ko pa po masyadong nararanasan ang Love. Hahaha :3 Okay, masyado ng madaldal. So please support this facts/story! Vote and comment! Thankyou! Mwahugs. ☺️😘

___________________________________________________________________________

Ang mga babae.

~

1- Ang mga babae, selosa yan. Kaya wag na wag niyong (mga lalaki) paseselosin ang mga babae. Kasi pwedeng mauwi sa away at mas matindi pa, break-up.

2- Ang mga babae, iyakin yan. Lalo na pag-drama ang pinapanood niyo. Wag kang mainis. Kung naiinis ka man, wag mong ipahalata. Kasi, pag nahalata niya yan. BOOM. Alam na.

3- Ang mga babae, pag meron yang dugo, naha-high blood yan. Kaya wag na wag niyong aasarin. Dahil pag napikon na, bahala ka.

4- Ang mga babae, mahilig talagang mag-suklay/magpaganda. Kaya wag mong sasabihan sila ng maarte kasi pangit pakinggan yun sakanila.

5- Ang mga babae, clingy talaga sila. Ayaw nilang lumalapit ka sa ibang babae. Syempre, ikaw rin namang lalaki, ayaw mo rin namang lumalapit siya sa iba diba? So makisabay ka nalang. Hayaan mo nalang wag ka nalang mag-reklamo pa.

6- Ang mga babae, mahina lang ang puso. Madaling masaktan. Kaya dapat, INGATAN.

7- Ang mga babae, mahilig sa gwapo yan. Kaya dapat, tiis nalang. Kasi, hindi lang naman sayo nakasalalay ang buhay niya. Pero pag sumobra na, dun. Dun ka ng may karapatan na magalit.

8- Ang mga babae, mahilig yan sa effort. Meron rin namang babae na gusto e simple pero mas maraming babae ang mahilig sa effort talaga. Kaya dapat, DO YOUR BEST.

9- Ang mga babae, malambot ang puso. Pag pinatigas mo, wag ka ng umasang babalikan ka pa niyan.

10- Ang mga babae, madaldal yan. Kaya, Wag ka nalang magreklamo. Para walang away.

11- Ang mga babae, mahilig sa surprises. Kaya kung gusto mong mapasaya ang girlfriend mo, mag-effort ka. Wag kang tatanga-tanga.

12- Ang mga babae, ayaw nilang tinitignan sila na madaling bumigay. KAYA NAGMAMATIGAS SILA. Kulang ang lambing, pag nainis sila. Kaya alam mo dapat ang gagawin pag nag-away kayo.

13- Ang mga babae, gusto nila ng sinusuyo. Kung alam mong ikaw ang may kasalanan, suyuin mo. Bago pa dumating sa hiwalayan.

14- Ang mga babae, ayaw nilang sinasabihan sila ng mataba. Or tanga at iba pang words na masakit tanggapin para sakanila. Kaya, kung mataba or tanga or ano sila, wag niyo nalang aminin. Hayaan niyo nalang. Kasi, sabi ko nga, masakit tanggapin yun para sakanila.

15- Ang mga babae, (karamihan) gusto nila ng sweet. Hindi naman yung talagang PDA. Pero basta yung akbay, tapos sweet words ang sasabihin mo, holding hands, masarap yan sa feeling ng mga babae kaya dapat gawin yan.

16- A/ng mga babae, hindi yan Manhid. Ayaw lang nilang mag-assume. Kasi, ayaw nilang masaktan.

And last,

17- Ang mga babae, masyadong mapagmahal. Yung tipong gagawin ang lahat, para lang malaman mong sakanya ka lang at para malaman mong mahal na mahal ka niya. Kaya kung na sayo na, wag mo ng pakawalan pa.

-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-

Anw, dedicated sayo. :)))

Okay, sana nagustuhan niyo. Bye! Vote and Comment! ~Aynyny ❤️

Ang mga babae.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon