Erin's makeover P1 (puzzle piece)

112 2 0
                                    

OOPSSS!! We're not there yet...another piece of the puzzle muna... ;)

***************************

"Ma maaga pa. Tsaka San ba kayo pupunta ng ganito kaaga? I'm sure she's still tired." Dinig niyang parang may nagbubulongan sa labas ng kwartong pinagtulogan niya. "Nonesense it's already 7am. Oh aren't you excited?" Masiglang sabi ng matanda sa mag-asawang kanina pa niya naririnig na parang pinapakiusapan ang matanda. Doon naman siya nag madaling kumilos ng maalalang may pupuntahan nga daw pala sila. Napansin niyang may nakahanda ng damit sa may kama Nagkibit balikat nalang siya dahil walang siyang Naramdaman kanina na pumasok sa loob ng kwarto.

Mabilis pa kay flash na naka ligo siya. Dinikit niya saglit ang tenga niya sa may pintuan. "That's why we need to go habang maaga pa because of her err...forehead. Mahihiya siyang lumabas pag maraming tao." Don naman na siya nagmadali para magbihis. Sa huli muntik na niyang makalimutan ang contacts niya. Kahit basa at magulo pa ang buhok niya ay basta nalang niyang ipinusod ng pagkataas Taas. Doon niya lang napansing hindi na masiyadong halata ang bukol sa nuo niya. Napangiti nalang siya at nagmadaling binuksan ang pinto.

"Hans ikaw na ngang kumausap jan sa dad mo." Pagtatampo ng matanda. Natigilan ang mag-asawang kanina pa nakikiusap kay grandma at si grandma namang nakanguso sa may tabi ay bigla nalang lumapit sa kanya. "Oh your so beautiful hija bagay sayo iyong damit mo." Sabi nito at pinaikot Ikot siya. Nakasuot siya ng cotton pleated skirt na kulay Maroon tapos white see through na black collard long sleeves. "Grandma baka mahilo si Erin." Natatawang sabi ni Hans. oo nga hilong hilong na siya dahil sa maroon wedge leather shoes na ipinaris sa suot niya as a start daw ng training pag gamit ng stiletos. Nahihiya man siya dahil sa damit na binigay sa kanya pero nagawa parin niyang ngumiti at nagpasalamat sakanila.

"Goodmorning everyone. Oh you look good Erin. Grandma still fashionable as ever." natatawang sabi ni Kuya Stan na kakalabas lang ng kwarto niya. Bigla itong tumigil sa paglalakad. "Hmn. I'm sure I've seen this before." Bulong niya pero natigilan din ang matanda at lahat ng nandon ay nakatingin kay Kuya Stan. Si Hans naman bigla nalang nawala ang ngiti niya ganun na din ang dalawang mag-asawa.

"Oh what's wrong with your hair hija. Come dear I'll fix that." Matamlay na ngiting sabi ni tita Stella at hinila nalang siya nito papasok sa kwarto nila. Buti nalang at hinila siya nito medjo awkward kanina anyari kaya sa kanila? Naisip niya.

"Upo ka Erin." Sabi nito. Umupo naman siya sa may harap ng salamin. Napansin niyang may mga ilang picture frames ang nakalagay doon. Natigilan siya ng makita ang isang picture. Dahan dahan niyang kinuha iyon at mas tinitigan.

"That's our family picture medjo bata bata pa ko jan. I remember that day, it was our thanksgiving. Everybody looked happy." Nakangiting sabi ng ginang pero ramdam niyang may Bahid na lungkot ang salita nito. Samantalang siya naman ay kanina pa nanginginig at naguguluhan sa mga nakikita.

"Close your eyes hija." Sabi ng ginang ipinikit naman niya ang mga mata niya. Pero nagulat nalang siya ng pagdilat niya ay nasa ibang Lugar siya. Madaming tao nakakasiyahan kung saan saan.

"Where have you been young lady?" Nagulat nalang siya ng may nagsalita sa likuran niya, tito Federick?. "Oh dad we were looking for you silly." Nagulat siya ng biglang may nagsalita, Yasmine?.... "Right Sally?" Ramdam niyang may kamay na biglang humigpit ang pagkakahawak sa kamay niya. Nagtataka siya kung bakit sa kanya nakatingin si yasmine.

"Dad can I go see mom?" Bigla namang tanong ng batang lalaking tumatakbo papunta sa kanila. Nagulat siya ng parang may ma-alala siyang kamukha nong batang lalaki. "Okay but be with your sister later." Sabi ni tito Federick don sa batang lalaki.

"Okay dad. Sis you heard dad said don't wander off again. Mahihirapan nanaman akong hanapin ka." Nakabusangot na sermon nito kay yasmine, na nakangiti naman ng pagkalawak lawak saka kumaway dun sa batang lalaki.

"Federick your getting old buddy." Natatawang sabi ng isang mama sa likuran nila. "James ! Hey buddy kelan ka pa dumating?" Napakunot nuo naman siya. It shocked her when she can suddenly see everything in a bigger picture.

"Tay?" Kasabay ng pag sabi niya ng Tay ay ang pagsigaw naman nung batang kahawak kamay ni yasmine kanina. "Papa, you're here!" Sigaw nito. "Sally?" Usal ulit niya. Nagtaka naman siya kung panong siya na mismo ang nandon. Tinignan niya ang kamay niya sumunod ang katawan niya. Pano nangyari iyon? Kanina lang pakiramdam niya ay siya si Sally? Siya nga ba talaga si Sally?

Ramdam niyang may tumatapik sa mukha niya. "Hey Erin? Erin dear can you hear me?" Don na siya napamulat ng mata. "Looks like you fell asleep. Sigurado ka bang kaya mo ng lumabas?" Nag-aalalang tanong ni tita Stella sa kanya. Panaginip lang iyon? Mukhang napapadalas ata naisip niya.

"Wow would you look at that. You really are beautiful Erin. Look." Sabi ng ginang sa kanya. Nagulat siya ng makitang maayos na ang buhok niya at kulot kulot nadin. Pati ang mukha niya may mga kulay nadin. Maski siya namangha sa nakita. siguro mas babagay kung tatangalin niya ang contacts niya. Naisip niya pero di pwede.

"Salamat po tita, ang ganda." Nakangiting sabi nalang niya. Pero sa oras na iyon iniisip parin niya kung ano iyong nakita niya kanina. Gawa gawa lang siguro iyon ng emahinasyon niya pero parang totoo kasi.

"Let's go hija. You don't want people looking at your forehead right?" Birong tanong naman ni lola Strelya. Tumango naman siya at tumayo sa pagkakaupo. Sinulyapan niya ulit iyong litrato. Lahat ng mga nakita niya nong isang araw sa kwarto niya. Ay tulad mismo ng nasa picture frame. Posible kaya iyon? Iyong suot ni tita Stella at iyong mga bata. Nababaliw na ata siya. "Tara na po." Kunwari'y masiglang sagot niya sa ginang.

"Now that's what you call natural." Dinig niyang sabi ni Kuya Stan sa ibaba. Dun niya lang napansin na andun pala ang mag-aama sa ibaba. "Can I go with grandma daddy?" Tanong naman ni Tristan kay Kuya Stan. "Sorry kiddo but it's girls day out only okay. Maybe next time." Sagot naman ng binata sa anak at ginulo ang buhok nito. "Then why is tito Hans going?" Takang tanong naman ng bata. "Cause your tito Hans is a girl. It's our secret." Kunwari'y bulong ni Kuya Stan pero dinig naman lalo na ni Hans na ngayoy tinitignan ng masama ang Kuya nito. Humagikhik naman ang bata.

"Una na ko sa labas grandma I'll start the car." Sabi ni Hans. "Wait what about the bodyguards? Can we leave them behind?" Tila nagisip naman ang mag-aama. " I'm afraid no. You know the rules ma at mas lalo na ngayon." Sabi ni tito Federick at sabay sulyap sa kanya. "Okay fine, but tell them not too close." Sabi nalang ng matanda at nakita niyang may tinawag si Tito Federick na isang sa mga naka men in black saka sila naglakad palayo sa kanila. "Come hija the car is ready." Sabay hila sa kanya kaya nagmadali siyang nagpaalam sa mag-asawa na noo'y kumakaway sa kanila. Naisip niya kung panong simpleng pagkaway lang ay elegante silang tignan pero dahil hila hila siya ng matanda na mas excited pa sa kanya ay binilisan nalang niya ang lakad baka kung Mapano nanaman ang mukha niya. Dasal niyang Sana ay walang makakita sa kanya.

****************************

Part2!!! Makeover naaaaaaa....yyeeeeeehey...okay lame hahaa....well anyway next update? I don't know haha kulitin niyo ko hangat akoy mapa OO......CHAROOT....XD.....SERYOSO AKO...^_^V papeyeeeeeeeeeeeee

Missing Reflection (on hold/editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon