25

312 12 0
                                    


"Hey bro!" bati ni Mark sa kadadating lang na si Aly.

Binati din naman sya ng ibang nyang kaibigan na nandon sa tambayan nila ngayon.

"Okay na ka ba Aly?" tanong ni Dzi kay Aly.

"Oo nga. Nalaman namin kung anong nangyare sayo nung pumunta ang mga Lazaro's sa bahay nyo" --Jirah.

"Okay lang naman ako, wala naman nangyare saken na kakaiba 😅" --Aly.

"Buti hindi ka sinaktan ng mga yon dude" --Amyr.

"Buti na nga lang dumating sila Ate Alexa at Dennise, kung hindi, baka kung ano na nangyare saken sa labas ng bahay namin" --Aly.

"Oo nga.. Halata sa mukha ni Dennise yung takot para sayo habang kinukwento nya yung nangyare" --Fille.

"Kaya sa susunod mag ingat ka na dude para hindi na masyado mag alala yang girlfriend mo" --Ai.

"Mag iingat na'ko promise" sabi ni Aly at nginitian ang mga ito.

"Wait! Nasaan nga pala si Dennise?" tanong ni Aly sa mga kaibigan nya.

"Hindi ba kayo nag kita? Kala namin mag kasama kayong dalawa eh" --Greg.

"Nagkita kame kanina, sinundo ko pa nga sya sa kanila, ako din nag hatid sa klase nya kanina" --Aly.

"Baka may klase pa yon" --Mark.

"Sus... Magkasama lang kanina namiss kaagad?! Ayan na yung pandak mong girlfriend" sabi naman ni Ella.

Pati yung ibang kasama nila ay napatingin na din kay Den na papalapit sa kinaroroonan nila ngayon.

"Hoy! Narinig ko yung sinabi mo besh, mas maliit ka pa nga saken eh kung makapag ano ka jan" sabi ni Den kay Ella ng makalapit sya sa mga ito.

"Baket ang tagal mo love?" tanong ni Aly ng lumapit kay Dennise.

"Nag overtime kase si prof kaya nalate ako ng kaonti love😊" sabi ni Dennise at tsaka hinalikan sa pisngi si Aly. Yung isa naman ay hinapit ang katawan ni Dennise para mayakap nya ito.

"Namiss na agad kita love" --Aly.

"miss you too love"--Dennise, at mas yumakap ng mahigpit kay Aly.

"I love you po"--Aly.

"I love you too, love"--Dennise.

"aysus! naman oh! Nag landian pa dito sa harap namin oh!" napahiwalay naman yung dalawa sa yakapan nila ng marinig nila ang salitang yon galing sa donya 😅

"aysus...inggit sya oh!" ganti naman ni Dennise sa besh nya.

"Amyr yakapin mo nga din yang si Ella para naman hindi na mainggit samin ni Den" sabi naman ni Aly at nag tawanan naman yung mga kaibigan nila.

"babe halika nga dito" sabi ni amyr at niyakap nga nya si Ella na agad din naman yumakap sakanya.

"aysus! Sya din naman pala gusto ng landi!" sabi ni Fille ng ikinatawa nilang lahat.

"aysus.. sya naman ang inggit ngayon! Magpayakap ka din kay Greg ng hindi ka din mainggit" sabi ni Ella na nakahug parin kay Amyr.

Tawanan lang sila ng tawanan dahil sa mga kalokohan nilang magkakaibigan kahit na may mga ibang estudyante na napapatingin sa kanila dahil sa mga tawanan nila pero hindi nila alintala iyon dahil ang mahalaga lang naman sa kanila ay ang bonding at masaya silang magkakasama sama.

"Tara na. Kain na muna tayo mamaya pa naman siguro yung practice para sa graduation natin diba?" sabi ni Ai sa mga kasama nya. Inabot na sila ng alas-dose sa pag kukwentuhan nila kaya hindi nila napansin ang oras.

Wala na sila masyado ginagawa sa school dahil sa graduation na nila at lahat sila ay mag tatapos ngayong taon at napagplanuhan na din nila na sabay sabay sila mag cecelebrate sa graduation nila kasama na din ang mga pamilya nila.

Nagkanya kanya na sila ng sakay sa mga sasakyan nila by partner sila dahil yun naman talaga ang nakagisnan nila dahil na din sa hatid sundo nila Aly sila Dennise.

Pasakay na sana si Den sa kotse ni Aly, sa pagbukas ng pinto ni Aly sa kotse nya agad na sumalubong kay Den ang naggagandahang rosas na nakalapag sa uupuan nya. Agad syang napangiti at tumingin kay Aly na kanina pa na nakatingin sa kanya.

"Take it, love. Para po sayo yan" sabi ni Aly.

Kinuha na nga ni Den yung bulaklak at pumasok sa loob ng kotse ni Aly.

"Thank you, Love" agad na sabi ni Den ng makapasok na si Aly sa kotse nito at agad na pinaandar ang sasakyan.

"Welcome, Love. Basta para sayo" sabi ni Aly at sandaling nilingon si Den na nakatingin sa bulaklak na bigay nya dito.

"Pero baket mo'ko binigyan nito, may occasion ba?" tanong ni Den sakanya.

"Wala naman, naisip ko lang na kahit na mag boyfriend-girlfriend na tayo gusto parin kita bigyan ng bulaklak kase gusto kong maramdaman mo na nililigawan parin kita kahit na sinagot mo na ako matagal na, gusto kong maramdaman mo yung pagmamahal ko sayo Love. Baket, ayaw mo ba ng bulaklak?" sabi naman ni Aly habang nakatingin kay Den. Nakastop kase yung sasakyan nila kaya malayang natitignan ni Aly si Den.

"Kahit hindi mo na ako kailangan bigyan ng ganito ramdam ko kung gaano mo ako kamahal. At kahit tayo na, ramdam ko pa'din na nililigawan mo pa ako. love, kahit na pagsundo at paghatid mo saken. And thank you for flowers. Love, nagustuhan ko. I love you" nakangiting sabi ni Den kay Aly na ang laki din ng ngiti sa labi

"Mas mahal po kita. Love" sabi ni Aly kay Den. Mabilis syang hinalikan ni Den sa labi dahil umuusad na yung mga sasakyan pero bago umandar ang sasakyan nila kinuha ni Aly ang isang kamay ni Den na agad nyang hinalikan hanggang sa pag dating nila sa resto na pagkakainan nila hawak-hawak parin ni Aly ang kamay ni Den.

"Parang may kakaiba sa inyong dalawa?" nagtatakang tanong ni Jirah ng makaupo na sila Den at Aly. Hanggang sa makapasok kase silang dalawa sa loob ng restaurant kung nasaan ang mga kaibigan nila ang laki parin ng mga ngiti nila.

"Oo nga besh, may nangyare ba na hindi namin alam ha?" tanong naman ni Ella sa kalapit nitong si Dennise.

"Wala no! Masama na bang ngumiti ngayon besh?" --Dennise.

"Wala naman akong sinabi ah?" --Ella.

"Wala naman pala eh. Kumain nalang tayo" --Dennise.

"Sungit mo besh" --Ella.

"Gutom ako kaya umorder na tayo"sabi nalang ni Dennise kaya tinatawag na nga nila ang waiter para makakain na nga sila dahil kailangan pa nilang bumalik sa Ateneo dahil may practice pa sila para sa graduation nilang magaganap. 😅

AD HeirsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon