"Kailan"
Nuong una ko pa lang siyang makita, nabighani na agad ako. Simula noon, tumatak na sa utak ko ang mala anghel nyang mukha. Ngunit simula rin noon, hindi ko na rin siya nakita. Tila kumirot ang aking damdamin. Umaasa na muli syang makita. Lumipas ang matagal na panahon, sa paghahanap sa kanya baon ko lamang ang una't huling larawan niya sa aking isipan.
Isang maaliwalas na araw sa kalagitnaan ng ilog ako'y nakatunghay sa tulay nang mag-dalawang isip ako nang makitang siya ay nakatingin sakin mula sa di kalayuan. Nagdududa kung ito ba'y isa lamang panaginip, nilapitan ko ang isang babaeng nakasuot ng puti mula ulo hanggang paa. Tila ba siya'y ikakasal. Kanyang hinawakan ang aking mukha, hinaplos ito, dama ko ang kanyang damdamin. Hinawakan naman niya ang aking kanang kamay at kanyang pinag-daop ang aming palad. Muli dama ko rin na siya ay may pagtingin sa akin. Gamit ang kanyang kamay, muli niya ulit kinuha ang aking kaliwang kamay at inilugar ito sa kanyang dibdib. Ramdam ko naman ang pagtibok ng kanyang puso. Tinignan ko siya sa mata, at nakitang siya ay lumuluha. Ako'y nalito nang bigla siyang umurong paatras at tumakbo palayo. Tila napawi ang sayang dulot niya. Kailan? Kailan ko ulit siya makikita? Muli nanaman ba akong mag-hihintay sa kanyang pag-dating na tanging baon lamang ang kanyang larawan sa aking isip.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
So AYON. TAPOS NA 'YON XD WAHAHAAHAHAHAH! Feeling ko di nabigyan ng hustisya yung storya koXD HHAAHAHAH. Howplis na si koya xD
TFR ^_^ <3 PGC.
BINABASA MO ANG
Kailan. (One Shot)
Teen FictionNaranasan mo na bang maghintay ng tao? Nakakainis diba?