Chapter 19: Portraits

166 2 1
                                    

              "Hindi mo din siya natiis hindi ba?" usisa ni kuya Jason pagpasok ko sa bahay namin. Si Setong ang tinutukoy niya....noong una ay itinanggi ko sa aking kapatid ang tungkol sa nararamdaman ko para kay Setong pero sinabi ko din kalaunan

"Nakita ko siya na nakatambay sa harap ng bahay nila kaya naman nilapitan ko na siya" sagot ko.

"Hay nako Jeo...inamin mo na ba?"

"Hindi..."

"Totoo nga ang sabi ng lahat kabaliktaran  nga kita...hetong mukhang to marami ng napaligayang babae eh ikaw? saksakan ka ng torpe!"

"Napaligaya? Baka iniwanan" sarkastikong sagot ko.

"Yung totoo...gusto mo siya hindi ba?"

"Oo naman....sobra" nagulat ako ng tumayo sa siya sa kinakaupuan niyang sofa O__O

"Kuya!! saan ka pupunta?"

"Kila Setong sasabihin ko na mahal na mahal mo siya matagal na matagal na at hindi mo maaamin kasi nga torpe ka! bading ka no?"

"Teka....hindi ako torpe! hindi din ako bading! ang totoo ayokong masira ang pagkakaibigan namin ayokong mailang siya at katunayan....."

"Ano????"

"Sinubukan ko kanina na aminin sa kanya...."

"Pero hindi mo nagawa?!"

"Tinanung ko kasi siya na paano kung ligawan ko siya...tinawanan pa ko...hanggang ngayon si Mark pa din ang gusto niya...ayaw niya na daw makasakit ayaw niya na daw maulit yung ngyari kay Mark...talagang sinara niya na ang puso niya.....wala na kong pag asa!"

"Nako Jeo! nababaliw na yan si Setong! humanap ka na lang ng iba may Ayah ka na nga eh"

"Kuya hindi ganun kadali yun! mahal na mahal ko si Setong siya lang ang gusto ko"

"Eh ayaw nga sayo! bakit hindi mo pansinin yung Ayah?"

"Ayoko siyang gamitin....isa pa hindi naman magseselos si Setong..."

"Hindi ko sinabing gamitin mo bilang panakip butas si Ayah o pagselosin si Setong! bakit hindi mo patusin si Ayah kung gusto ka naman malay mo maibaling mo yan nararamdaman mo kay Ayah"

"Hindi ko kaya..."

"Bakit hindi mo subukan? malay mo kung kailan mahal mo na si Ayah saka maisip ni Setong na mahal ka na pala niya oh pag nag away kayo ni Ayah bitawan mo na agad! madali ng maka move on kasi nandiyan na si Setong"

"Susubukan ko sana epektibo yang plano mo kuya Jason" sagot ko.

        Pagiisipan ko munang mabuti ang lahat....ayokong makasakit at ayaw ko na din na panghabang buhay masaktan...bakit kasi hanggang ngayon si Mark pa din ang mahal mo Setong? hindi mo ba nakikita na lahat naman ginagawa ko para sayo dahil mahal kita? wala bang saysay ang lahat? nandito lang naman ako para sayo...

--------------------

KINABUKASAN

"Setong gising na pinapasundo ka ng crown prince" O____O!!!! A-ano daw???

"Ano ho??" bigla akong napaupo sa kama ko ano ba yan! nagising agad ang diwa ko! panira ng tulog!

"Mag ayos ka na nasalabas ang mayordomo pinapasundo ka daw" sabi ni tita Ellyn.

"Bakit nanaman????'

"Bumangon ka na!"

"Heto na nga po..." no choice naligo na ko agad at nag ayos.

Searching the Casanova's PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon