#Dealwiththejerk
STEVEN's POV
"Deal!"
Napag-usapan namin ni Isiah na pagselosin nga namin sila. Natatawa ako 'pag naalala ko ang sila, halata naman kasi na gusto niya si Storm ayaw lang aminin.
Ang first move ay paninindigan namin na mag fiancée nga kami, at lahat ng pwede nila puntahan ay pupuntahan din namin.
"You're busy thingking too much"
Nagulat ako kaya napalingon ako, napabuntonghininga na lang ako nang makita ko ang nagmamay-ari ng boses.
"Aytttz, what brings you here this early in the morning?" Ani ko.
Nangunot ang noo niya, lumapit siya sa 'kin at as usual nakipagtitigan nanaman, ewan ko ba mahilig sa titigan ang taong 'to. Ganyan si Sky.
"I saw Victoria and Storm a while ago."
Kailangan pa ba ibalita sa 'kin 'yan? At ano naman ang pakialam ko kung magkasama sila?
"who cares?" Paasik ko naman dahil naiinis ako.
"Steven tara na."
Sabay kaming napalingon ni Sky sa nagmamay-ari ng boses. Nang makita niya si Sky ay yumuko agad siya.
"Hello po sir, magpapasama lang po ako kay Steven sa school, practice ko po kasi ngayon ng soccer, 'di ba next day na laro namin." Pagpaalam niya kay Sky.
"Oo nga pala, sege mag-ingat kayo."Ani naman ni Sky nang maalala ang laban ni Isiah.
"And sir tapos ko na po gawin lahat ng pinagawa n'yo po sa 'kin. At handa na po ang food n'yo ni Seven ako po mismo nagluto kaya kumain po kayo." Aniya sabay yuko.
Napangiti na lang si Sky sa kanya, I bet mahal niya si Isiah, 'di bilang gf, kundi kapatid, wala kaming babaeng kapatid kaya gano'n na lang kahalaga si Isiah sa kanya.
"Tara na..."
Nagpaalam na kami kay Sky pero bago kami umalis bumalik muna siya para ayusin ang kuwelyo at necktie ni Sky na ikinagulat naman no'ng isa pero napangiti na rin.
"Ayaw ko kasing pangit na humarap ang Sir Sky ko sa magandang secretary niya." Wika niya sabay kindat kay Sky. "Bye sir!"
Natulala lang si Sky sa sinabi ni Isiah, habang ang huli patakbong pumunta sa 'kin..
"Ready?"
Tanong niya tumango na lang ako sa unang deal namin, pero bago paman din kami makalabas, nakasalubong namin si Seven na tila pagod.
"Seven, ano nangyari? Kumusta shooting mo?"
Tanong niya sa kapatid ko. Bago nagsalita si Seven ay niyakap muna niya si Isiah na ikinagulat naman ng isa, abaaaa! Kelangan yayakap?

BINABASA MO ANG
Mondroadou Family Present a GENTLEMEN's BABYGIRL
Romance"Minahal kita nang walang takot, ang kinakatakutan ko sa lahat ay yung tinuruan mo kong matakot na mahalin ka" Si Isiah Lei Cruz ay isang simpleng babae na walang takot na harapin ang lahat nang hamon sa buhay. Isa lang siya sa simpleng studyante na...