-Chapter 2-
Lola's Boy
[GINO'S POV]
Ayan na naman ang traffic sa Makati. Mabuti na lang at wala akong meeting. Walang rason para magmadali. As usual, si 'Ebony' na naman ang kasama ko. Ang kaibahan nga lang, kasama ko na ang driver naming si Mang Tony. Yun ang gusto ni daddy. Baka daw kase kaya ako nale-late ay dahil sa mga 'distractions' sa daan. Tulad na lang ng isang ito na akala mo ay model kung maglakad.
Model? Sa liit niyang yun, model?!
Napahagalpak ako ng tawa. Napatingin tuloy sa akin si Mang Tony.
"Sir, may problema po ba?" Tanong niya sa akin.
"Wala, Mang Tony. Natawa lang ako dun sa babaeng cute." Napatingin ako sa labas ng bintana. Wala na siya. Ang bilis maglakad!
"Mukhang kursunada mo ah?"
"Hindi naman po. Ano lang kase, parang model maglakad eh ang liit naman." Na-curious tuloy ako dun sa babae. Nakatalikod kasi.
"May ganun talaga, Sir. Malay niyo naman, model talaga?" Palabiro din itong si Mang Tony.
--------
"Told yah! Hindi male-late yan pag may driver," nang-asar agad si Kuya Mikko nang makita ako. "Bro naman kasi, wag sa legs ang tingin. Mababangga ka niyan eh."
Hindi ko siya pinansin. Dumerecho ako sa area namin ni Kuya Enrico. Himala lang na wala siya.
"Wala ang VP, may early meeting." Para namang nahulaan na agad niya ang itatanong ko.
"Good!" Bawi ko sa pang-aasar niya.
"Gino, bakit di mo subukang maghanap ng girlfriend? You know, anim na taon ka na rin namang tigang. Baka sakaling pag nadiligan ka, mabalik ka sa katinuan mo."
"I don't need a woman to fix my life! At kung sex lang naman, marami dyan!"
"Don't tell me, papatol ka sa hookers?!"
"Of course not! I don't want to get sick, you idiot!"
"Yeah, sure! You want some clean fight, right?! I know a place... Isang spa... Libre hipo sa masahista." Humagalpak siya ng tawa. May pagkamanyak rin minsan 'tong isang ito.
"Shut the f*ck up, Mikko! Hindi ako natutuwa!"
Naisip ko tuloy yun, imagine-nin ko pa lang, kinikilabutan na ako.
"Aww! So gay!" Arte pa nito.
Tumayo ako at tinulak siya palabas ng office.
"Damn! You may leave now! Bumalik ka na sa Subic! Wag na wag kang luluwas na kasama si Jeanette dahil ibubuking talaga kita!"
"Pikon!" Sigaw niya at humagalpak ng tawa. Napatingin tuloy sa amin ang ibang staff ni kuya.
Damn it! Tigang na ba talaga ako?! Since when ba ang last ko? Shit talaga! Ano ba ito?! Kainaman!!!
The second time with 'Ebony', with Mang Tony, And the cute model-walker. I snapped my finger.
"Manong Tony, palagi mo na nga akong ihahatid, ha?" Biro ko sa kanya. Napatingin ako sa relo ko, So... 7:30 pala siya palaging dumadaan dito sa may Jupiter... Hindi ko namalayan na naka-ngiti na pala ako.
"Wow, mukhang may nakabihag na sa puso ng bossing ko ah," nakita niya na pala akong nakangiti.
"Naku, hindi, manong. Natutuwa lang talaga ako sa lakad niya."