Chapter 30-- Nurse

72 4 2
                                    

Chapter 30-- Nurse

Kamille's POV 

Sabay naman kaming bumaba para kumain at nagulat ako kasi ang daming nakahain sa dining table namin.

"Anong meron?" Tanong ko habang tinitignan isa-isa yung mga pagkain. May soup, may kanin, ang daming ulam, ang daming prutas.

"Anong meron? Meron kang lagnat, kaya dapat kainin mo 'yang mga 'yan. Okay?" 

Napaupo ako at napalingon ako sa paligid ko. "Nasan si Kuya?"

"Ah, may kakausapin lang daw siya sa labas."

Napatango na lang ako dahil unti-unti ko ng tinitikman yung mga dinala niyang pagkain.

"Kain ka na rin. Manang?" Tawag ko pa kay manang at lumapit naman siya sa'min. "Tara kain po."

"Oo nga po manang kain na rin kayo." dagdag pa ni Errol

Nakakahiya kumain kasi nasa harap ko 'tong si Errol at tinitignan pa yata ang pagkain ko. "Ayaw mo kumain?"

"Sige, para sa'yo yan e."

"Uy, thank you ah. Pero, wala bang ice cream? Hahaha." Pagbibiro ko pa sa kanya. 

"Ay!" Bigla naman siyang tumayo at lumapit kay manang na sarap na sarap sa pagkain. May binulong naman siya at tumango naman si manang. Anong meron?

Pumasok siya sa kitchen namin. Talaga namang at home na at home siya eh, no? Haha. Kabisado niya na talaga yung bahay namin.

Pagbalik niya, may dala dala siyang isang container.

"Popsicles?" Natatawa ako kasi binibiro ko lang naman siya sa ice cream, pero may popsicles pa siyang dala.

"Ayan. Kumain ka rin niyan ha." Naglagay siya ng isa sa plato ko. "Nabasa ko kasi na maganda raw yan sa may sakit para hindi ka madehydrate."

"Saan mo naman nabasa?" Nagugulat ako sa mga pinagsasasabi at ginagawa niya. Talaga bang hindi lang ako sanay sa mga ginagawa niya at naninibago ako, o dahil lang 'to sa matagal naming di pag-uusap kaya siya ganito?

"Sa internet, nabasa ko kanina." Nakangiti niya namang saad sa'kin.

"Ehem! Ehem!" napalingon kami pareho ni Errol kay manang na mukhang nasamid pa.

"Tubig, kukuha lang ako ng tubig. Sige lang mag-usap lang kayo dyan." Saka umalis si manang at dali-daling nagpunta sa kitchen. 

"Thank you sa popsicles ha. Haha. Mukhang makakarami ako nito." 

"Kams, alam mo, ako dapat mag-thank you sa'yo e. Hay kainis. " Napakamot pa siya sa batok niya. "'Di pa rin sapat. Gusto ko talaga mag-sorry."

"Haha. Okay na 'yun no!" Pagchecheer up ko pa sa kanya saka siya inalok ng isang popsicle. Kinuha naman niya yun kaya natawa ako. "Hindi makatiis e o, para sa'kin daw to e."

"Pero, Kamille. Alam mo hindi ko talaga nagustuhan yung ginawa ni Shiela na 'yun." Napaseryoso kami pareho. Kinabahan din ako bigla dahil pagpasok ko nito bukas, paniguradong isa si Shiela sa mga sasalubong sa'kin.

My Love Messenger (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon