Invisible Jungle: The road of Life and death Part 1

10 1 0
                                    

Prologue

          Napahinto si Shayne sa kanyang pagtakbo at nakaranas ng sobrang takot sa loob ng madilim na gubat na hindi masisinagan sa liwanag ng dilaw na buwan nang makarinig siya ng ingay na nakakatindig-balahibo. Nang papalapit na papalapit ang ingay na iyon, binilisan niya ang kanyang pagtakbo sa maraming patay na dahon ng iba't ibang uri ng malalaking puno hangga't sa siya ay nadapa at may biglang humila sa  kanya sa kabilang dulo. Natakot siya at balak na siyang sumigaw ngunit tinakpan ang kanyang bibig. Nawala na rin ang ingay na kanyang kinatatakotan na parang isang kakaibang halimaw na hindi pa nila napakinggan noon. "Maghanda ka na sa kamatayan mo", ang sabi ng isang lalaking nababalutan ng putik ang mukha na humila sa kaniya habang sila ay nakatago sa ilalim ng ugat sa malaking puno ng Balete.


CHAPTER 1

NAT.SCI. Class

"Shayne Puentes?", ang banggit ng guro habang nagcheck ng attendance. Walang umimik at walang nagsasalita. 

"Patay na naman". Medyo galit na sabi ng guro. Siya si Ms. Chessy Anger, apilyido pa lang kinatatakutan na ng lahat ng mga estudyante. Mahigpit siya sa rules and regulations ng Eastervenue University, isang sikat na University at topnotcher pagdating ng Science and Technology sa National rating. Daig pa ni Ms. Anger ang may ari ng school sa pagiging sikat; sikat siya sa kanyang haplos na pagmamahal. Kahit ganyan siya ay mahal pa rin siya ng kanyang mga estudyante at halos lahat sa paaralan na nakakilala sa kanya. 

"Absent na naman si Shayne? Hindi ba siya nagtext o nagtawag man lang?", ang pabulong na  pasimangot na tanong ni Via kay Michael sabay pinapatwirl ang buhok sa dalawang daliri na may makukulay na cutix, may halong pink at white na kulay ang kuko ng kanyang daliri. Si Via Archemis ay matalino sa Mathematics. Ang tanging kaibigan ni Shayne na nagsusuot ng eyeglass at paborito pa nito ang lumang maong na jumper na may kulay blue. Si Michael dela Cruz naman ay isang matangkad at makisig pa, pangbasketbolista ang height ngunit how sad hindi basketball ang hilig niyang sport, sa swiiming pool siya nababagay. Nagkagusto siya ni Shayne simula noong Junior High School pa lamang  silang magkaibigan. 

"Oo nga Mic, hindi ba siya nagsabi sayo kung bakit siya absent sa Science class?", ang tanong ni Ed na katabi lang ni Via.

Si Ed Lim ay masayahing kaibigan ni Shayne na may kulay red blond, kulot at katamtamang haba ng buhok (wala kasing haircut inspection kaya pwedi na ito). Matalino rin sa klase pero minsan nagbubulakbol din. 

"Wala!, at bakit niyo sa akin itinatanong niyan ha? wala naman KAMI ni Shayne, kaibigan lang kami." ang pahayag ni Michael na parang nagtataka rin kung bakit absent si Shayne.

"heto naman biro lang, mukhang guilty ka yata ah!?", pabirong sabi ni Via. 

"Guys, nakita niyo ba si John?", tanong ni Ed.

"I'm Sorry maam, I'm late." paumanhin ni John na nakasuot ng kulay Blue na jacket na pinapailaliman ng brown t-shirt na may kulay pulang packbag at nakasabit ang malaking earphones sa balikat.

"Saan ka ba galing? sabihin mo nalang na ayaw mo sa subject na ito or else mapipilitan akong idrop ka", galit na sabi ni Ms. anger.

"Next time", pahabol pa niya "kung mahuli ka pa sa klase ko, huwag ka nang magpapakita sa akin, are we clear?" seryosong sabi ni Ms. Anger.

"Yes maam.", sagot naman ni John habang nakatingin sa bintana ng silid.

"Seryoso si maam sa sinabi niya?", nalilitong sabi ni Ed.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 30, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Invisible Jungle: The road of life and deathWhere stories live. Discover now